Laging mayroong mga ganitong tao...
1. TANGA
Kahit anong matalinong grupo ang mayroon kayo, laging mayroon kayong kabarkada na kulang na lang ay mag-raise siya ng hand at i-declare sa taumbayan na...
"TANGA AKO."
Kahit lahat naman kayo matalino. Kahit nasa Science high school kayo... mayroon at mayroong lalabas na tanga sa grupo.
Yung tipong magtatanong ng isang tanong na mapapa-nganga ka na lang?
Mga simpleng bagay na, "Pag nilublob ko kaya 'tong daliri ko sa kumukulong tubig, masakit?"
Mga nakakabaliw na realizations niya, "Ay shet! Ganun pala 'yung paggamit ng water dispenser!"
Ito yung tipo ng tao na 'pag mataas ang grades sa school, mapapa-"WEH?" ka na lang? Dahil hindi mo ineexpect na gumagana pala ng maayos ang utak niya kahit papaano.
Hindi naman niya kasalanan maging tanga. Sadyang may mga panahong mababaliw lang 'yan. Lahat tayo may ganyang moments pero siya, tuwing kasama kayo... napapadalas ang tanga moments.
2. MATAKAW
Hindi mawawala ang matakaw sa isang barkada.
Siya yung tipong laging umuubos ng pulutan pag inuman. Laging kausap nanay mo 'pag nasa kusina. Laging may hawak na pagkain. Laging naghahanap agad ng pagkain 'pag dating ng bahay niyo. Laging nagyayaya kumain. Laging gutom.
Siya yung buraot sa pagkain na akala mo para sa kanya ang nakalaang pagkain para sa buong barkada. Madalas 'pag birthday party na may kainan, tahimik 'yan sa isang tabi... kumakain.
Siya ang naguubos ng sariling budget para sa pagkain. Hindi siya necessarily mataba. Sadyang matakaw lang siya at hindi mo alam bakit.
3. CONFIDANT
Siya yung nakakaalam ng sikreto at hinanakit ng buong barkada. Kahit na ba sabihin mong magkakaibigan kayo, hindi ibig sabihin nun ay ibabahagi mo na sa buong barkada mo na natae ka sa panty o brip mo. May isang tao sa barkada niyo na pinagkakatiwalaan ng karamihan sa barkada. Yung taong alam mong maghahagilap ng pabango para itago ang baho ng utot mo.
Hindi mo alam kung bakit, hindi ka rin sigurado kung sinabi na ba niya sa iba ang sikreto mo o ang hinagpis mo sa isa mo pang kabarkada pero gusto mo siya lang makaalam ng mga gusto mong sabihin.
4. ALASKADOR
Ito yung ang lakas lakas mang-asar sa kapwa kabarkada. Minsan nagkaka-pikunan pero 'pag umabsent sa isang session 'yan, mamimiss niyo 'yan.
Siya din maguumpisa sa kanchawan na lahat naman kayo manggagatong.
Minsan wala siyang pakialam 'pag may napikon, minsan naman, papatulan. Depende sa mood niya.
Basta lagi siyang may nasasabing pang-asar sa bawat sabihin ng isang tao sa barkada.
Siya din madalas ang nakakabuo ng issue ng kung anuman. 'Pag nakabuo ng issue 'yan, buong barkada na makiki-gatong.
5. BIKTIMA
Minsan, ang TANGA at ang BIKTIMA ay iisa lang pero mayroon laging isang madalas na biktima ng alaskador.
Hindi lahat pwedeng alaskahin ng alaskador. Mayroon 'yan laging pinupuntirya. Siguro dahil alam ng alaskador na kayang tiisin ng biktima ang mga binabatong panggagatong.
Hindi naman 'to basta basta nagpapa-biktima. Kung ganun ang sitwasyon, mababaliw lang siya. Lumalaban siya. At nakakatuwang panooring nagkukulitan ang alaskador at ang biktima. Hindi sila nagkakapikunan dahil masaya din sila sa ginagawa nila.
________________________________________________
Totoo ngang iba iba tayo. Hinahanap natin sa iba ang wala tayo. Nagiging kaibigan natin ang mga taong iba sa ugali natin. Minsan ang tanging similarity niyo lang ay ang friendship niyo. Iba iba kayo ng paniniwala pero tanggap niyo ang isa't isa.
Sa mga iba't ibang roles ng mga tao sa isang barkada, 'pag nawala ang isa, mamimiss niyo pa rin kahit papaano.
Minsan, o sabihin nating madalas, kung sino yung absent, siya ang topic for discussion ng barkada.

0 kritiko:
Mag-post ng isang Komento