Pages

Sabado, Nobyembre 19 2011

Warranty

Lahat dumadaan sa pagsasawa sa isang relasyon.


Yung iba, nalalagpasan. Yung iba...


iniiwan na lang at hindi na ulit babalikan.


Pero isa lang masasabi ko, lahat may katapusan. Lahat may wakas.





Parang REFRIGERATOR...

(Syempre related talaga sa pagkain ang simile)


Sa una, masaya ka 'pag bago. Laging gusto mo kasama siya.


Cool siya. Chill lang. Nagagawa naman niya ang purpose kung bakit mo siya binili.

'Pag mainit ang ulo, pasok mo lang ulo mo sa freezer. (Gawain ko 'yun sa bahay e)

'Pag summer at nagiinit, pasok ka lang sa kanya. (Okay, medyo bastos ang dating)

'Pag gutom, nabubusog ka naman niya.

Hindi lang sa pagkain ang naging purpose niya. Nadidiscover mo kung paano i-utilize lahat ng pwedeng gawin sa ref mo. Kasi madalas kang nakatambay kasi bago. Ang sarap ng feeling. Unti-unti mong narerealize na sulit buy ka.


Pero sa lahat ng ref, para mabigay niya ang gusto mong pagkain, dapat mag-invest ka rin sa kanya. Hindi naman magaappear ang porkchop diyan kung hindi mo lalagyan.


Ippreserve niya ang ininvest mo para maibalik sayo. Not as good as the original pero he tried.


'Pag naglagay ka ng hindi mo gustong pagkain dahil hindi mo naubos, darating ang panahon na...

aalingasaw ang baho niyan. Inimbak mo sa limot yung pagkain dahil ayaw mo na lang balikan kaya itatago mo na lang. 'Pag binalikan mo pa kasi, masisira lang appetite mo. Ayaw mong itapon kasi sayang? Or dahil may pinanghahawakang value? 'Pag umalingasaw baho niyan, halos lahat ng nakalagay sa ref, maaapektuhan.


 Tiyak, LQ kayo niyan. At mauuwi sa...


COOL OFF...


Patayin muna yung ref at linisin. Lagyan ng uling para mawala yung amoy.


O tapos? Isasaksak ulit.


Dahil narealize mo, kailangan mo siya. Iba ang buhay mo 'pag wala siya. Parang may kulang.


Parang hindi mo alam saan ilalagay yung mga pagkain. Parang feeling mo nasasayang lang. Kailangan ng paglalagyan. At siya una mong makikita.


E di balik na naman?


Hanggang sa paulit ulit 'yan.


Magtatago ka ng pagkaing dapat nakalimutan mo na pero lalabas at lalabas pa rin. Mga pinagsisihan mong bilhin/lutuing pagkain, isusumbat niya sayo sa pamamagitan ng pagsira ng amoy ng lahat ng nakalagay sa ref.

Paulit ulit...


Hanggang sa isang araw, maghahanap ka ng warranty at resibo.


Nasira na ng tuluyan. Susubukan mong ipa-ayos sa dealer. Dahil pasok pa naman sa warranty.


Dun sa makakaintindi sa ref mo. Susubukan mo pang isalba kasi mukang kaya pa. Kung sino nagbenta sayo o nagrekomenda sayo. Isang kaibigan 'yan. Either sayo o kaibigan niya.

May konting parts lang na nasira. Papalitan na lang para maayos.


Pero kadalasan, may babayaran ka pa sa part na 'yun dahil hindi covered ng warranty.


E di ayos na!!! Balik sa dati...


Balik nga ba sa dati?


Hindi na siya kasing efficient tulad ng dati.


IBA NA.


Hanggang sa marealize mo, lagi na lang nasisira. May mga kapalpakan na. Paulit ulit.



Hanggang sa lumagpas na sa warranty period.


Sa iba mo na ipapaayos dahil mas mura kesa sa dealer. Mas madali dahil malapit lang sa inyo. Mas convenient dahil siya na lumapit sayo para ayusin.


Hindi niya alam kung ano pinagdaanan niyong dalawa pero hahayaan mong kalikutin niya ang pinagsamahan niyo at ang pagiisip mo. Hanggang sa makumbinsi ka niya na you deserve a new ref.


Wala siyang alam sa pinagsasabi niya dahil hindi naman niya alam kung bakit talaga nasira at kung paano talaga ayusin. Nagmamagaling lang.


Hindi niya kasalanan... ikaw ang nakinig. Ikaw ang humingi ng tulong at sinunod mo naman pinagsasabi niya dahil feeling mo hindi mo na alam gagawin mo. Pero sa totoo, alam mo naman dapat mong gawin para maayos. Ayaw mo lang masisi sarili mo 'pag sumablay ka.



Tapos ano na?


Wala na.



SIRANG SIRA NA.


Hanggang sa mapagod ka. At pagod ka na.


Hindi na kaya ng warranty ng puso mo...


Tapos na.


Choice mo na lang kung ipaglalaban mo pa yung ref mo o hindi.


Pero imposibleng biglang mabago 'yan. Binili mo ng ganyan 'yan.


Kaya mong ayusin once in awhile. Pero...


naiiba na.


Ang hirap 'pag walang warranty.


At kung papansinin niyo, sa ref o sa kahit ano mang electronic device, may warranty?


Dahil alam nilang hanggang dun lang dapat. May limitations.

Buti pa sila alam nilang may limitations. Ikaw?



Lahat may katapusan. Lahat may wakas.


Hindi ibig sabihin na tapos na relasyon niyo ay tapos na rin pagmamahal mo sa kanya.


Gusto mo na lang ulit mahalin sarili mo.




Warranty dictates the life span... but you can still defy the odds if it's worth it.

0 kritiko:

Mag-post ng isang Komento