Pages

Martes, Mayo 17 2011

Mcdo fries

Malamang marami na sa inyo nakapanood ng TV commercial na 'yan. Sumikat 'yan e. Tapos pinull out ng CBCP dahil daw maling values ang pinapakita sa bata. 


Kesyo pinapakita ng ad na yan na sa murang edad ay landian at pag-gigirlfriend na inaatupag ng mga bata sa... playground? Imbis na maglaro na lang sa playground?


I have nothing against this ad. Maganda yung execution at yung intention. I find it cute actually.


First time kong napanood 'to ay kasama ko si John Tumulak sa bahay nila. Ang weird pa kasi nag-order kami ng Mcdo kasi nagugutom na siya. Tinanong niya ano gusto ko, sabi ko fries lang. LARGE.


Pero dahil epal siya, bumili siya ng burger meal with large fries para sa sakin. Kinagatan niya yung burger at binigay sa akin. Kinain ko naman? Habang nanonood kami ng Pilipinas Got Talent at kumakain ng fries... commercial na!


Lumabas yang Mcdo BFGF ad na yan. Tawang tawa kami kasi parang ganun yung nangyare 1 hour bago namin makita yung TV ad. Naalala ko pa, yung polong suot nung bata, may ganun ding polo si John. Syempre hindi ganun kaliit. Muntanga naman.


Tangina John ang benta talaga nito.


Ayun.


Ang ayaw ko lang sa ad na ito ay...




yung sasabihin ng mga lalaki na sana lahat ng babae ay Mcdo fries lang ang gusto.


I mean... WHAT THE FUCK?


Naglabasan kasi sa Facebook yung mga status na, "sana lahat ng babae ganito"


Kung ganyan ang wish niyo, e di wag kayo mag-girlfriend? Mas immature pa kayo dun sa bata sa TV ad e.


Wish niyo na sana fries lang katumbas namin?


Tapos kayo ang taas ng expectations niyo sa amin? Gusto niyo perfect kame? Gusto maalaga, sexy, maganda. E kung maging patatas na lang kayo at magpakasal na lang kayo sa kapwa patatas?
Tapos hiwain niyo isa't isa at i-deep fry.


Kung gusto niyo ng babaeng mabibigay gusto niyo, paghirapan niyo siya.


Make her feel na she's worth it.


Sa totoo lang naman, kung iintindihin niyo kami, oo, masaya na kami sa fries. Sa mga maliliit na bagay. Basta alam naming from the heart. Kahit pa dahon ng santan yan o sampaguita.


Ang thought kasi nung ad na yun ay madali naman kami mapasaya...


sadyang nagrereklamo lang agad kayo bago niyo pa malaman ano gusto namin.


Kesyo magastos kami. Kesyo ang dami naming demands.


Isa lang gusto namin.


Yung maramdaman namin we're worth it. Lahat ng pagod, pera, oras at effort. Konting appreciation lang naman.


Tapos kayo gusto niyo hot ng mga girlfriend niyo?


Kaya maraming insecurities ang babae dahil sa society, culture at mentality ng generation ngayon. Pero it doesn't help na kayong mga lalaki, ay titingin pa sa ibang babae sa harap ng gf niyo? Or makikipagkilala or makikipaglandian pa sa mas hot na version ng gf niyo.


MCDO FRIES


Kung hingin namin Mcdo fries lang, don't expect us to give you a full gourmet meal. You'll get the same type of food.


Treat us like trash, we'll treat you like trash. Give us crap, we'll give you a truck load of shit.


Reminder lang sa mga babae: YOU HAVE THE RIGHT TO DEMAND IF IT MAKES YOU HAPPY. YOU'RE WORTH IT. YOU HAVE THE RIGHT TO BE HAPPY.


Reminder sa mga lalaki: HINDI KAMI MAGIGING NEEDY IF YOU'RE ACTUALLY GIVING US WHAT WE NEED.

Miyerkules, Mayo 11 2011

Overtime

Dahil overtime ako ngayon sa office kahit wala naman akong ginagawa, ginawa ko 'tong blog. Sayang sa hours dahil intern ako dito. Actually, nasosobrahan na ako ng hours dito sa internship na 'to. 150 hours lang dapat per company. Kailangan ko na maghanap ng isa pang company para sa remaining 150 hours ko. Sa McCann Worldgroup ako ngayon. Advertising company 'to at masaya dito. Kahit wala masyado ginagawa, madami pa rin ako natututunan. Labo e no? 

Gusto ko talagang mag-advertising kasi mukang may future naman ako. Pwedeng art director, creative director o kahit anong trabaho sa advertising agency na may excuse ka para lumabas ng office para makapagisip ng something creative o makainom ng wengweng ng tanghaling tapat)

Kung hindi, second choice ko ay...

agogo dancer na lang.

Mahilig na rin naman ako gumiling giling. *Careless whisper plays*

Gusto ko lang tumambay dito sa office para makasulat ako sa blog ko ng maayos... kahit pasulyap sulyap ang katabi kong intern sa ginagawa kong kalokohan. Medyo nakaka-conscious. Sungalngalin ko 'to e! Joke lang.

Ayun.

OVERTIME

Ano nga ba mapapala mo sa lintik na overtime? Mahihirapan ka lang naman.

Sa trabaho may overtime. Pangdagdag sweldo. Sa kaso ng mga boss ko dito, nagoovertime sila para matapos ang trabaho. Ewan ko kung nadadagdagan sweldo nila. Basta ang dami nilang minimeet na deadline. Minsan nga, magdiwang ka na kung may oras ka pa para maligo. 

Naalala ko yung sinabi ng kaibigan ko, okay naman daw sa advertising agency. Wag mo lang iuuwi ang trabaho mo. E napansin ko, hindi naman umuuwi mga tao dito. May banig pa akong nakita sa ilalim ng lamesa sa isa sa mga cubicles dito. May mga nakakalat pang mga pagkain, in case makalimutan nilang kumain.

Pero hindi naman tipong sinigang na baboy o dinuguan yung mga pagkaing nakakalat. (pipilosopohin niyo pa ako e)

Mga kendi, chocolate... mga ganun. Wag kayong kupal.

The point is, may napapala ka naman kahit papaano. Kahit nakakapagod, kung gusto mo naman ginagawa mo..

FULFILLING

OVERTIME

Madayo naman tayo sa overtime sa basketball. Bias ako kasi player ako dati. Ngayon hindi na dahil hindi na kaya ng malutong kong kasukasuhan at masyado na rin ako nagmukang lalaki kakalaro.

At kahit wala akong alam sa NBA pero ang dami kong friends sa Facebook na fanatics, may nabalitaan akong 3 overtime sa isang recent na game. Hindi ko alam kung ano.

Minsan na rin akong nakaranas ng overtime sa basketball. 23-23 ang score. Hindi ko alam kung ang bano ng dalawang team na naglalaban dahil hirap maka-score o malakas lang depensa. Kalaban namin noon ang BJNHS at lahat ng kalaban namin ay macho. Kulang na lang tattoo sa muka. Ganun kabangis. Tipong 'pag nag-cr sila, parang pwede mo sila tapatan ng urinal at iihi sila ng nakatayo?

Nag-overtime kami kasi nga tie ang score. Sa kagandahang palad, nanalo naman kami dahil sa winning shot ni Bernice Tamayo! Wooo! Tomboy ka laki ng boobs mo! Itigil mo na pagkain mo ng mashed potato!


(hinagilap ko pa yang picture mo)

Ano rin napapala sa overtime sa basketball?

Nangyayari ang overtime 'pag tie ang score ng dalawang team na naglalaban at nagbibigay ng additional 5 minutes para malaman kung sino ang makakalamang at eventually, mananalo.

Binibigyan ng isa pang pagkakataon.

Isa pang pagkakataon para magkaroon ng pag-asang manalo.

Sa mananalo, pasalamat ka worth it yung pagod mo.
Sa matatalo, sayang oras at pagod mo pero maiisip mo pa rin, at least lumaban ka.

OVERTIME

E sa pag-ibig?

Ano ang ibig sabihin ng over time?

Anong mapapala mo sa over time?

Para sa akin, ang over time ay yung tipong alam mo na sa sarili mong hindi na talaga pwede. Wala ng pagasa pero nilalaban mo pa rin kahit...

wala nang mananalo sa paglaban mo.

Pareho na kayong nasasaktan. Pareho na kayong talo.

Pero laban ka pa rin ng laban.

Umaasa ka pang may mababago. Baka sakaling mag-ibang tao yung pinaglalaban mo.

E kung inaasahan mong magbago yung taong yun, e di maghanap ka na ng ibang tao!

Minsan, nakakapagod na rin mag-over time sa pag-ibig. Bakit 'di mo subukang sumuko? Baka kahit sa ngayon ay feeling mo talo ka, darating ang araw na...


marerealize mong mas matatalo ka kung tinuloy mo.

Baka sa future, magkita kayo ulit. Siya na yung inaasam mong tao. Nagbago siya. Baka lang.

Sa future, kayo ay mga better versions of yourselves. You have to learn to live as an individual bago mo matutunang mabuhay kasama ang isa pang tao. Kumbaga kung hindi mo kayang mabuhay sa sarili mo, kung hindi mo kayang angatin pagkatao mo, what makes you think na kaya mo gawin sa ibang tao yun?

Hindi pagtanggap ng pagkatalo ang pagsuko. Pagtanggap ito na... tama na.

Susuko ka lang sa sitwasyong maglulugmok sayo. Pero hindi ka susukong mabuhay. In fact, lalo mo pang bubuhayin sarili mo. Matututunan mong mag-overtime sa sarili mo. PARA SAYO.

Sa trabaho, ang overtime ay nagbibigay sayo ng karagdagang sweldo o fulfillment na natapos mo trabaho mo.
Sa basketball, overtime ay nagbibigay ng pagasa na manalo sa parehong team.

Sa pagibig, hindi naman considered na overtime kung alam niyong maaayos pa. It's still part of the given time. Overtime siya kapag alam mong niloloko mo na lang sarili mo na ipilit ang hindi dapat. Nasisira na pagkatao mo at tingin mo sa sarili mo bilang tao.

Sa pagibig, ang overtime ay...

KATANGAHAN.

Martes, Mayo 10 2011

In a relationSHIT

Mayroon ba kayong isang friend sa Facebook o sa lagay ko ay 3 friends na tipong tuwing nagbbreak sila ng boyfriend o girlfriend niya ay...




gagawin agad "Single" ang status sa Facebook?


Tapos 'pag nagkabalikan...




"___________ is in a relationship with _________"


Tapos paulit ulit ulit ulit ulit ulit... na nakakairita na?


Kung hindi ka lang mabait e gusto mong sabihin...


Tangina, dapat "in a relationSHIT" kayo e!


Medyo nakakairita rin kasi. Kung ilagay niyo na lang kaya na SINGLE kayo hangga't hindi pa talaga kayo totoong ENGAGED o MARRIED?


Kaysa tuwing away niyo ay alam ng taumbayan? Parang minsan mas gusto ko pang makita yung status ng ibang tao na nakalagay...


"ay naliligo.""ay nagsusuklay.""ay humihinga"


kaysa sa pagpalit niyo ng relationship status.




Feeling ko kung tipong may "COOL OFF" na status, papatulan niyo pa.


Kung may problema kayo, ayusin niyo muna. Hindi yung mas uunahin niyo pa mag-online para ibahin agad relationship status niyo. Ang shallow a.


Hindi ko gets bakit ganun?


TIP: Pag nag-"break" kayo, i-hide niyo na lang yung relationship status niyo, 'wag ng ibahin agad. 


Sa sobrang dalas niyo magpalit, wala ng pakialam yung mga tao. Hindi na naniniwala. Lahat ng 1000 plus friends niyo, alam na magkakabalikan rin kayo... at marerealize nila...


na ang sarap niyong i-delete as a friend sa Facebook.


Nagmumuka lang kayong tanga. SERYOSO.


Tapos mapapansin mo, nag-oonline lang siya 'pag malabo sila ng boyfriend/girlfriend niya para lang ibahin yung relationship status. Tapos magpopost ng status na malungkot siya blah blah. FISHING FOR SYMPATHY. 


Oo. Naging ganun ako. PINAKITA KO SA TAUMBAYAN NA MALUNGKOT AKO. May picture pa akong umiiyak for my friends' sheer form of pleasure. (Mga kupal e. Pinagtawanan pa ako) Pero hindi ako yung tipong nag-oonline lang para dun dahil dati pa akong laging online sa Facebook. May boyfriend man o wala. Dati pa akong may mga kupal na status na nakakapag-ligaya sa aking mga fans. (HOLLA AT YO MOMMA!)


Pero hindi ako nagpapalit palit ng relationship status dahil alam ko nakakairita yun.


Marerealize mong sa boyfriend/girlfriend mo na lang umiikot mundo mo 'pag tinignan mo wall mo. Puro jowa mo ang nagpopost at naglilike sa status o kahit anu mang activity sa wall mo. BASAG.


Yun lang. Sana lang......

Lunes, Mayo 09 2011

Ondoy VS Aning. (From my Facebook notes)

Si Angee ay isang babaeng always on the go. Mabilis ma-bore at walang pakialam sa sarili basta lang may gustong gawen. Pumunta siya ng Marikina Sports Center noong Saturday(September 26,2009) for her swimming class na 7.30 AM ang start pero dumating si Ms. Cora ng 8 AM. Hindi nagstart agad kasi nag-assign pa ng swimmers for the competition na supposedly ay nung Monday(September 28,2009). Na-assign siya sa tatlong event na puro 50 meters kaya... TAENA! Parang magpapakamatay na siya. Puro medley pa. Ibig sabihin, siya ang huling babae sa group na magsswim at ibig sabihin nun, siya ang maghahabol at sa kanya nakasalalay ang panalo ng grupo. AYOS! Dahil always on the go naman siya, E DI GO! Umuulan ng malakas at 3/4 lang ng pool ang covered. Malamig ang pool kaya sometimes, bobo ang mga tao. May nagtanong pa kung pwede mag-jacket sa pool. Sige, si Angee ay magpapayong. Baka mabasa siya no? Ayun. Walang nagsswimming sa parte ng pool na walang bubong maliban kay Angee dahil wala siyang paki. Basa ka na rin naman e. What the hell. Kahit pumipikit pikit na mata niya pagka-lutang ng ulo niyang maganda, go pa din! Matapos ang ilang drills, napagod din ang ating explorer. At dahil kuripot siya, nakihigop siya ng taho kung kanino man. Thanks nga pala whoever you are.

Matapos maligo ni Angee sa shower na ayaw sumara ng tubig, ay nagbihis siya... malamang! Pagkatapos, dahil wala siyang mapuntahan ay sumama siya kla Valentine kumain sa Mcdo kahit hindi siya gutom. Hindi pa siya nagutom nun no? Nag-order na lang siya ng regular fries at hot choco. Namburaot pa ng fries kay Patty dahil kulang na lang ay sungalngalin niya ang fries niya sa muka ni Angee at ni Nads kung siya ay mag-alok. Thanks Patty. :)

Habang sila'y lumalamon ay nagtetext si Valentine sa dad niya kung pwede magpasundo sa Mcdo dahil sa bagsik ng buhos ng ulan. Nagtext din naman si Nads sa dad niya kung pwede din magpasundo kame. Makiki-hitch na lang si Angee dahil wala siyang paki. Sa parehong tatay, parehong na-stranded somewhere. Heller? Marikina yun!

Bago pa man mabura sa mapa ng Pilipinas ang Marikina ay minabuti na ni Angee at Nads na sugurin ang ulan. Tayo agad si Angee. GAME! Pagkalabas, biglang nanghina ang tuhod ni Angee at napabalik sa loob. Naiwan si Nads sa labas. Bakit kamo? First time niyang sumugod sa baha na hanggang tuhod niya. Malamang ay hanggang hita na ni Nads yun. Wala pa din siyang paki. GO! Mabuti na lang ay naka-shorts siya kaso nahuhulog ang shorts niya kaya nakikita ang panty niyang hot pink na may lace. Pagkasugod ay natatangay siya ng alon ng tubig. May pesteng van pa na dinaanan sila habang tumatawid kaya naman biglang naurong pabalik ang ating bida. Sugod pa din! No turning back! Kinabahan si Angee dahil baka matangay ang tsinelas niya. Ayaw niya umuwi ng puro tae ang paa. Mas kinabahan si Nads dahil tsinelas ng kapatid niya ang gamit niya, tinakas niya at Billabong pa! E yung sa bida nating kuripot? P50 lang bili niya dun sa SM Marikina. Naka-tawid naman sila ng kanyang sidekick pero see through na ang jogging pants ni Nads na white. Mainam.

Dumiretso na sila sa sakayan ng jeep at dun ay naghintay ng masasakyan. Nauna na sumakay ang ating bidang si Angee at sumugod na naman sa baha. Nagtititili ang malandi nating bida dahil kung anu ano sumasabit sa kanyang paa. Pagkasakay niya sa jeep ay nalaglag ang kanyang tsinelas kaya hinabol niya ito. Buti na lang mabaet si driver at hinintay niya si Angee mahabol ang kanyang tsinelas.Mukang gago lang.

Sa byahe ng jeep ay dumaan ito sa Marikina River. Sa bridge pala, hindi sa river mismo. Nakita niya ang tindi ng epekto ng ulan. Malapit ng abutan yung bridge. Madame pang taong andun dahil may deads na ata at may bangkang humahabol sa isang taong natangay ng alon. Ayos. Hindi namalayan ni Angee na naka-nganga pala siya dulot ng matinding pagkabigla.

Pagkahatid ng jeep sa ating bida sa may LRT Katipunan, bumaba siya at nakikisabay sa mga taong may payong. Pagkasakay niya sa LRT, ang macho niya dahil nagtanggal siya ng jacket niyang pwede ng pigain. Sleeveless na white at shorts na lang ang suot niya. Kung makaupo pa ay kala mo may pototoy. Siga ang ating bida.

Pagkababa ng gateway, nakuha pang mag-window shopping habang tawag ng tawag ang mama niya sa cellphone. Naisipan na niyang umuwi. Sarado naman ang daanan patungong Farmer's dahil brownout sa buong establishment ng Farmer's. Sa ilalim siya bumaba kaya sugod na naman sa ulan! Pagkarating sa MRT, nakita niyang mahaba ang pila papasok. Jusko! Pa-north bound lang ang available na MRT kaya tinignan kung makakaswerte sa bus. E biglang tinamad, kaya bumalik sa MRT. Nakita niya ay wala ng pila papasok. Ok na pala yung pa-southbound. Go!

Pumasok siya at mayabang pa sa ibang bumibili pa lang ng ticket. Pagka-akyat sa may station, halos tangayin siya ng matinding hangin. Wala pa din paki. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil dun pa siya pumwesto kung saan talaga namang mababasa ka at tatangayin ng hangin. Pagkarating ng train, sumakay siya kasabay ang buntis na babae. Sa pag-ungos ng tren ay napansin niyang malinis ang EDSA. Hindi na naman namalayan na mapapasukan na siya ng langaw sa bibig sa sobrang pagka-amaze. Pagkarating ng Santolan Station, umandar agad ang tren at sabay biglang tigil. Yung mga tao sa kabilang dulo ng tren ay napunta dun sa dulo kung san nakapwesto si Angee. Sa may driver. Kahit kaunti lamang ang tao, ay napisat ang ating bida. Humampas ang muka niya sa may glass nung sa driver. Naknangteteng o! Yung isa pang pasahero, biglang napasok dun. Matapos ang technical difficulty na ito ay umungos na ang tren. Nagulat si Angee ng makita niyang dumami na ang mga sasakyan sa EDSA malapit sa Crame! Sabay unti-unti na namang naglaho. Ayun pala, lumubog na sa baha. Ang mga bus ay hanggang side mirror na lang ang kita. Ang bagsik. Nakanganga pa din siya. Nu ba yan. For 5 seconds ay na-amaze na naman siya.

Pagkatapos ay naka-move on agad siya. Sexy can I ang tugtog sa nakasaksak sa tenga niya kaya naman siya ay sumasayaw sayaw sa tren. Nakuha pang gumiling ng ating bida. Wala siyang paki.Basta makauwi. Pagkarating ng Boni station ay bababa na siya. Pagkabukas ng pinto ay nagdagsaan ang mga sasakay. Hirap siya makalabas kaya naman ay ginamit niya ang secret weapon niya. ANG HANDY-DANDY NIYANG BALIKAT! BOOM! 3 tao ang tumalsik. Ang isa ay muntik pang maupo. Ang bagsik!

At sa kanyang pagtungtong sa bahay ay nag-doorbell siya. Wala pa lang kuryente kaya mistulan ang aso nilang si Speedy ang naging doorbell. Pagkapasok ay agad siyang umakyat sa kwarto ngunit biglang nagsabugan lahat ng gamit niya sa hagdan. Nakaharang ang chain ng SHITzu nilang si Itoy. Ayun. Pahiya konti. Pagkapasok sa kwarto ay binaha. Nakalimutan isara ang bintana. Sometimes bobo. At dun nagtatapos ang adventure ni Angee the Explorer! See you next time!


AT SA ADVENTURE NA YUN AY WALA SIYANG DALANG PAYONG! (at wala pa ring balak bumili)

Pangarap kong magka-oompa loompa


Nitong mga nakaraang araw, hindi ko mapagtanto bakit at paano ako nahumaling sa mga love songs. Yung mga tipo ng kanta na para lang sa mga in love? Kahit yung tipong "Mula sa Puso" na theme song, pinapatulan ko na? Ang problema...

Hindi ako in love?

As in wala akong lalaki(o babae) ngayon na may something. Na may thing. 

Oo. Madami akong kaibigan. Masaya ako sa kanila. Sobrang saya. Hindi niyo lang alam kung gaano kasaya. Lagi akong nasa labas. Kung hindi naman ako pumaparty o umiinom, sila pupunta sa bahay ko. Nararamdaman ko na ulit yung saya ko nung high school ako pero this time, more alcohol and partying involved. Dati kasi pacute pa kami. Feeling inosente. Mga barumbado rin naman. Pero gusto ko talaga pag kasama ko sila or pag nakakausap ko.

Yung mga panahong summer time at sobrang init pero hindi na nakakaligo dahil nakalimot na sa sobrang telebabad? Naghihingahan na lang kayo ng bestfriend mo sa telepono pero natatawa pa rin kayo? Kami lang ba ganito o pati kayo? (O sadyang may sayad lang kami?)

Hindi ko maintindihan bakit ako nahuhumaling sa love songs. As in para akong in love talaga.

Sabi nila...

IN LOVE AKO SA "LOVE"

Siguro nga. Mas may sense. (Makahanap lang ng dahilan para hindi ako mukang nasisiraan ng bait)

Nag-iimagine ako...

Kung ano mangyayari sa susunod kong love life. Sana yung susunod kong boyfriend...


SIYA NA.


Siya na yung mamahalin ko ng sobra. Yung...

makakasama ko habang buhay. 

Yung tipong paggising ko, tititigan ko lang siya kahit puro muta siya at amoy panis na laway. Kahit may tae pa brip niya, kukurutin ko pwet niya para magising siya. Tapos pag nainis, eskimo kiss kami. (Eskimo kiss ay ang tawag ko pag nagkikiss yung ilong niyong dalawa) Tapos mabubuo na araw niya sa simpleng eskimo kiss. Aamuy-amuyin ko yung leeg niya. Hahalikan ko. Tapos gagawin ko yung "mamamam" sound na parang ang sarap niya. (Manyakan pala 'to?)

Sisiguraduhin kong tuwing umaga, mahihirapan siyang bumangon. Kasi mas gugustuhin niyang magtitigan na lang kami. (Unang kumurap magkakaron ng tigdas)

Ako magluluto ng pagkain niya. Kahit hotdog at itlog lang kaya kong lutuin sa ngayon, maglalaan ako ng oras para matuto magluto. Patatabain ko ang mahal ko.

Hindi lang tiyan na... pati puso.

Mag-eeffort ako. Hindi dahil kailangan ko. Dahil mahal ko. Ganun naman ako e. Lakas mag-effort. Para maramdaman niya gaano ko siya kamahal. 

Tipong kapag anniversary...

ROMANTIC. :)

Yung nakikita mo lang sa movies.

May mga ideas na akong naiisip.

-Papagawa ako ng billboard sa SLEX. Nakalagay dun, "Happy Anniversary. Kung may hacienda lang ako, papagawan kita ng crop circles" Tapos yayayain ko siya somewhere na on the way dun. Pero aawayin ko siya habang papunta. Tapos sasabihin ko itigil niya ang kotse. Tatae lang ako kunware. Tapos hihilahin ko yung takip ng billboard. BAM! Baka magkasakit sa puso yun. Nasobrahan sa love. <3

-Gagawa ako ng (insert number of years here) thousand paper cranes. Set-up ko sa isang condo. Nakasabit sa pader, sa kisame, nakakalat sa simento at sa kama. Tapos sa gitna ng kama, may food. Dinner for two. Magsusuot ako ng long gown para pang-beauty queen. Tapos kukuntsabahin ko mga kaibigan niya. Aawayin ko kunware. Tapos mga kaibigan niya, kunware may surprise na chicks sa isang room. At ako yun! Tapos ibblindfold siya. Pupunta ako sa harap niya at tatanggalin yung blindfold. "Happy Anniversary babe!"

-Lantern. Magpapalipad ako ng lanterns. Yung parang sa Tangled. Gaya gaya ako paki niyo? Tapos lahat ng wish namin as a couple, ilalagay namin sa mga lanterns para umabot sa taas. Literal na ang taas ng pangarap namin.

-Papa-pictorial ako ng sexy. HIndi nude. Sexy! Yung dedekwatin ko jersey niya or polo niya tapos yun lang suot ko. Tapos ipapa-frame ko. Para alam niyang I feel good and beautiful pag "nakayakap" siya sa akin. 'Pag alam kong andiyan siya sa tabi ko.

-Kung may sport man siya, mag-seset-up ako sa court,field or racetrack or kung saan man. Para malaman niyang we're always on the same team. I'm his number 1 fan in and out of the court. Win or lose. 

Sa ngayon, iyan pa lang naiisip ko. Tapos may background music na love songs.

Kaya siguro ako nahuhumaling ako sa love songs. Iniisip ko kung ano na papatugtugin ko sa anniv namin ni Willy Wonka? As of now, Willy Wonka muna pangalan niya.

Ang susunod kong kabanata...

Ang susunod na mamahalin ko...

Guys, meet my future love..

and our babies...




Linggo, Mayo 08 2011

Wala ka sa nanay ko!

*Prrt!* And poof! I became Koko Krunch!
Sabi ng nanay ko, galing daw ako sa tae ng kalabaw. Tapos minsan sabi rin niya, pinulot ako sa ilog Pasig. MUKA BA AKONG TAE?






Pero alam ko namang ganyan lang magmahal mama ko. Tough love ba. Alam ko namang love na love ako nung butanding na yun. Maghanda na kayo ng tisyu o kahit yung butas na brip ng kapatid niyo. Maalaala mo kaya ang drama ng buhay ko...


Pag nagbubuntis ang nanay ko samin, muka lang daw kaming kabag. Maliit lang tiyan niya. Yun din sinasabi ng mga tao sa kanya. Ewan bakit ngayon hindi naman buntis, parang laging may kabag. Parang laging busog. Pero noon talaga, maliit lang siya magbuntis. Maliliit din kami nun. Hindi ko alam bakit pagkalabas naming magkakapatid ay para kaming inflatables. Biglang lumaki! Simula sa average weight namin nung baby na 6lbs ay naging dambuhala kami.


Pinagbubuntis ako ng nanay ko noon. 6 months na. Muka lang siyang galing ng eat-all-you-can. Pasakay siya ng dyip sa may Makati. Nakaangat na yung isang paa niya. Nakatapak na sa dyip. Iaangat na niya ang kaliwa niyang paa sabay...


BOOOM!!!
May bumanggang sasakyan sa likod ng dyip. And yes, naputol paa ng mama ko.


OO. NAPUTOL.


Gusto niyo isa pang ulit? NAPUTOL.


(Nafeefeel ko kasi may magrereact na, "WEH?") 

Hindi ko maintindihan paano yung pagkaputol. Kung yung muscles na lang ba nagkakabit or yung buto ng paa niya. PAA A! Hindi binti. PAA. Pero ngayon, nakakabit na. Hindi detachable paa ng nanay ko mga hayop kayo. Naiisip ko imagination niyo. One size bigger lang yung left foot niya.


Mabuti na lang, ang nakabunggo sa kanya ay under ng San Miguel Corporation. E bano mga lawyers nila dun. Nung 13 years old ako, nanalo kami ng 300 thousand pesos plus sa kaso. Hinati hati sa amin magkakapatid yun para sa mamanahin naming kayamanan kabilang na ang hacienda namin sa imaginary world of Willy Wonka.


Kaya mahalaga sa akin ang number 13. Kaya lahat ng naging boyfriend ko, 13 ang monthsary namin. (Di niyo alam yun no?) At sa susunod din. 13 pa rin. No pun intended.




Sabi ng lola ko, buti daw hindi ako naabnoy. Nanahimik nanay ko sabay sabi,


"May sira nga lang ulo"


Grabe. Bastusan talaga sa pamilya namin.


Pinaglihi ako sa manika. As in yung crawling baby na laruan daw. Pagkalabas ko, buti na lang daw, hindi ako yung tipo ng mga pinaglilihi sa manika na pipi at bingi. Nasobrahan nga raw. Madaldal at chismosa. Pero pagkalabas ko, kamukang kamuka ko yung manika. Kulot yung buhok at sobrang cute. (Blog ko 'to wag kayong mangialam kung sabihin kong cute ako) 


Oo, may buhok na ako. Kinky pa. Yung tipong pagkalabas ko sa keppers ng nanay ko, muka lang akong pubic hair?


Pero naamaze yuung head nurse sa akin. Napakalinis ko raw. Walang bakas ng dugo. Walang sapot. Walang egg shell. Walang kahit ano. Para daw akong nilinis na. Yun ang kwento sa akin ng nanay ko. Pero feeling ko talaga...


Inihian lang ako nung butanding na yun e!


Pero love ko mama ko. Ang cute cute nun e. Mukang pokemon.






Alam ko madalas akong kunsumisyon sa nanay ko. Yung paguwi ko ng... ay hindi. Yung hindi ko pala paguwi at all kaka-party. Yung hilig kong magpa-party dito sa bahay. Pero kahit papaano naman, nabibigay ko pa rin sa kanya yung gusto niya...


yung mag-aral ako ng mabuti. Hindi ko naman pinababayaan pagaaral ko para sa kanya at para sa sarili ko. Wala pa akong subject na binagsak ngayong college. Matataas naman grades ko kahit papaano. Konting push na lang talaga.


Maraming sinakripisyo nanay ko para sa aming magkakapatid. Para rin sa inyong lahat... mga nanay niyo a. Hindi nanay ko. (Paki ng nanay ko sa inyo?) Yung simpleng pag-utut sa inyo ng mga nanay niyo, masakit yun a. Kahit pinanganak man kayong pangit o maganda, bobo o matalino, pinili pa rin niyang buhayin kayo.


Pinili pa rin niyang maglabas ng mga salot sa lipunan.






HAPPY MOTHERS' DAY VICTORIA SABINA DE LEON. :)

Huwebes, Mayo 05 2011

World phenomenon = COOL OFF

Babae: Cool off muna tayo. 
Lalaki: Bakit? 
Babae: I need space? (Pero sa totoo hindi niya maintindihan ang talagang dahilan bakit siya nakikipag-cool off)


Ganito ang mga babae. At least on my end, ganito ako. Ewan ko sa inyo. Baka lalaki pala kayo hindi niyo lang alam. Paki-hipo muna bago mag-assume na babae kayo.


Ang mga babae mahilig makipag-cool off. Tama ba? Sa mga kaibigan ko kasi, babae ang madalas makipag-cool off. Mahilig kami mag-inarte e. Tapos 'pag tinanong, ang daming sasabihing dahilan pero ang labo ng talagang point niya kung bakit nakipag-cool off.


Mahal mo pa ba?


Oo.


Arte ng mga babae no? Mahal pa pala e. Bakit makikipag-cool off? Anong point???


Marahil ito ay isa sa mga talagang dahilan...




Gusto ko lang maramdaman mo ano feeling 'pag nawala ako.


Lahat ng babae gusto maappreciate. Gusto nila maramdaman na habulin sila kahit papaano. Kung anong worth nila. Kahit ano mang dahilan ng babae bakit siya nakipagcool off, kahit anong galit niyan sa inyong mga lalaki, titiklop pa rin yan. Lalo na't 'pag mahal pa kayo. Cool off lang yan. Hindi pa break.


Nung nililigawan niyong mga lalaki yang mga babae niyo, diba hinahabol niyo? Interesado kayo lagi?


Instead na iniisip niyong masama ang pakikipag-cool off, isipin niyo, this is the best way to rekindle your relationship. Ligawan niyo ulit mga lintik na lalaki kayo. Try giving her 3 days to 1 week na space na hinihingi niya. After that, habulin niyo na before it's too late. Bago mauwi sa break-up.


Lahat ng babae gusto maramdaman na mababaliw kayo 'pag nawala siya sa buhay niyong mga lalaki. Wag kayong tititig sa pader o mag-masturbate 'til 2am at maghintay ng milagro na bigla na lang kayong babatiin ng mga girlfriend niyo. Wag kayong magreklamong hindi niyo kami maintindihan. Instead na sinasayang niyo oras niyo kakainom, gimik, DOTA o kung anu mang paraang ginagawa niyo para panandaliang makalimot, intindihin niyo. MAG-ISIP KAYO. MAKIRAMDAM. Intindihin niyo hanggang sa mabaliw kayo.


OO. MABALIW. Sa sobrang kabaliwan niyo, maiisip niyo...


TANGINA. Anong ginawa ko? Worth it ba 'to para matapos ang relationship namin???


At sa sobrang kabaliwan niyo, marerealize niyo na kung anu man ginawa niyong mali, mas mababaliw kayong mawala mga girlfriend niyo. 


Iparamdam niyo lang na kailangan niyo kaming mga babae.


We have the need to be needed.