Simula nung naging single ako, sabihin na nating medyo…
Nagmuka akong tao?
Parang tanggap na ako sa mundo ng mga kababaihan? Hindi na ako mukang tomboy sa kanto na nakikipaglaro ng pog sa kapitbahay.
Siguro ang pinakamasarap na part ng pagiging single ay yung part kung saan…
Gumaganda ka? Or sabihin na natin… HOT?
Yung parang hindi ka na laspag? Kasi sabihin man nating dapat pag in love, blooming? ULUL!
Nakakalaspag magka-boyfriend! Tutubuan kayo ng muka sa tigyawat! Tapos tataba pa kayo na parang grizzly bear! Hindi polar bear or panda bear. GRIZZLY!
(Galit ako? Puro exclamation point?)
Bakit ba gumaganda or nagmumukang homo sapiens pag nagiging single? Tipong from Taong Tabon, nagiging Homo sapiens sapiens ka na?
Siguro dahil ang best revenge ng isang single na babae sa ex niya, kahit sino man nakipagbreak, ay yung pag gumanda yung babae? Yung parang kahit medyo shallow na dahilan na gumanda lang, parang pagsisisihan ng lalaki? Kasi marerealize niyang may potential palang mag-evolve yung pangit niyang girlfriend. Laging may part sa lalaki na pagsisisihan niyang nakipagbreak siya or hinayaang magbreak (kahit babae ang may kasalanan) lalo na kung nag-improve physically kasi sa looks naman talaga nag-umpisa yang attraction niyo.
Sabihin niyong hindi?
Ano yun? ‘Pag nakakita kayo ng type niyo sa kalsada sasabihin niyo, “Ay! Type ko yan! Ang bait!”
Madaming nag-comment sa akin. Medyo nagbago daw ako physically. Parang lumakas dating. Wala naman akong putok? Paano daw ako naging “HOT”?
Lagi kong sagot…
“SINGLE E?”
Single is definitely sexay!
Pero napag-isip isip ko rin. Paano nga ba?
Naisipan kong i-share lahat ng mga nagbago sa akin… May ilan ilan na rin akong nabigyan ng tips nito. Lalo na yung mga recently naging single at kumukuha ng lakas ng loob sa akin.
Eto na…
Ang tawag dito…
“THE EL NINO MODUS OPERANDI”
(tips on how to be “single and sexy”)
1. BANGS
Para saan ‘yang nakakairitang section ng buhok niyong yan? Wala lang. Hindi ‘yan pa-cute. Actually, it gives you that mysterious touch in your personal style. Yung medyo natatago yung mata niyo. Yung instant eye-patch? Ganun.
Laging tandaan: May something hot sa babaeng may bangs. Preferrably yung side bangs.
Invest time on your bangs. Make sure hindi siya oily at flat. Punyemers ang sagwa nun no! Nag-bangs ka pa! Make sure may volume. Sabi nga nung isa kong naging boylet, “Ang sexy ng bangs mo. Yung parang may hangin sa ilalim?”
Dapat ganun. Yung parang model ka ng FHM tapos naka-yuko ka ng onti sabay titingin ka ng slowly sa isang lalaki na may konting side smile. PANALO! Winner move ko ‘yun!!!
Malaking bagay para sa akin ang bangs. It gives you that extra “umph!” sa boring mong buhok. Makikita niyo difference. Parang nagka-personality kayo bigla!
2. SHORT HAIR IS A NO-NO
Wag magpaikli ng buhok. Gandang ganda ang majority ng mga lalaki sa mahabang buhok. Parang feminine ne feminine ang dating. Ganun talaga. Stereotypical na ang mindset ng mga lalaki.
At tulad ko, medyo masculine pa built ko kaya nung nagpa-ikli ako ng buhok nung may boyfriend pa ako, napagkamalan akong tomboy. Oo, nagbabasketball ako. Pero hindi ako tomboy a. Well, medyo. Pero hindi butch type. I’m the bitchiest butch you’ll probably ever meet. Akin ang korona!
Basta wag na magpa-ikli. Wag na magtangka magpa-pixie cut. Gusto ko man, naisip ko rin na nagmumuka akong lalaki kahit bagay naman sakin ang short hair.
At pag short hair ako, kadalasan ang ibig sabihin nun ay miserable ako. Yung walang magawa sa buhay at may mga bagay na nakakapagfrustrate sa akin. Yung mga bagay na hindi ko naman kayang baguhin kaya buhok ko na lang pinupuntirya ko?
3. ADD SOME COLOR TO YOUR ROOTS
Medyo lagyan niyo lang ng kulay. Yung bagay naman. Baka mamaya mag-feeling Nicki Minaj kayo at magpa-blonde kayo a? Yung bagay sa inyo. Not too light, not too red! Yung pang-tao pa. K? Baka magmuka kayong Hetty Spaghetti niyan. Sisihin niyo pa ako!
4. MAKE YOURSELF BUSY
Don’t present yourself like you’re always available. Act like you’re busy. In my case, hindi ko kailangan mag-inarte dahil madami talaga akong ginagawa. Kung wala kayong ginagawa or pinagkakaabalahan, mas maaatat kayo magka-boyfriend and you’ll probably fall for any guy na dumaan sa harap niyo kahit alam niyong hindi pa kayo ready. Maghanap kayo ng pagkakaabalahan na talagang gusto niyong i-devote sarili niyo sa bagay na yun.
Make a guy feel like he is not your priority. Na parang you have better things to do than flirt with him. Well, kahit naman mawala yung guy na yun sa buhay mo dahil sobrang busy mo, at least na-dedevelop mo yung bagay na gusto mong gawin. If he stays, then he stays. If he doesn’t, well.. he’s not worth it then? NEXT!!!
5. DIET
Kung medyo galing kayo sa kababuyan tulad ko, ito ay para sa inyo. Paano nga ba ako pumayat? Heartbreak lang. Pero ngayon, kahit papaano naman, namaimaintain ko yung weight ko. Medyo seesaw nga lang. Minsan mataba, minsan feeling sexy.
Paano nga ba ako mag-diet? Feeling ko kasi may sakit ako. Yung hindi ako tumitigil kaka-nguya? May oral fixation daw ako. Kahit hindi gutom, kain ng kain. Kung makita niyo lang ako mag-asal baboy, magtataka kayo kung babae ba ako o halimaw!
Kaya ang ginagawa ko, lagi akong may dalang chewing gum. Pag gusto ko ngumuya, yun ang katapat! Pag gusto ko mag-merienda kahit hindi naman dapat, chewing gum agad! Minsan nga nakakalimutan ko na kumain dahil kaka-chewing gum ko. Kaya madalas niyo ko makikitang may chewing gum.
Isa pang tip para maibsan ang kababuyan ko…
TUBIG!
Sikat ang mga water bottle ko dati sa block ko sa Miriam College. Kasi kung hindi ako maingay uminom, e mukang gago lang ang water bottle ko. Either puro ngatngat, tsupon-like or cartoon character ang design.
Invest on a cute water bottle. Yung tipong gusto niyong dala lagi at gusto niyong nakikita ng ibang tao na iniinuman niyo. Para kahit papaano, kahit hindi kayo uhaw, uminom kayo! Mabubusog kayo kaka-tubig. Lalo na kung nasa school kayo or office. For sure naman may libreng tubig diyan. Kung wala, lumipat na kayo losersssss…
Sa kaka-tubig niyo, ihi pa kayo ng ihi. Malilinis ng husto ang katawan niyo.
6. APPAREL REVAMP
Ayusin niyo damit niyo. Make it more sexay! Syempre kung new look kayo, hindi mawawala ang closet overhaul!
Sexy doesn’t always mean skimpy.
There are ways to make yourself look sexy without really showing too much skin. Sa pagpili ng damit, you have to consider what makes you comfortable. Hindi yung napipilitan lang kayo for the sake of being sexay!
If you want to know more on this, contact me! I love shopping. At lahat ng nakakakilala sa akin knows na you don’t have to spend a lot to make yourself look “high maintenance”. I know the right places to shop to. I’ll be your personal stylist. Seryoso. Walang bayad! Isang pack ng hopia lang, solve na.
Tapos let me run through your closets din. Tignan natin ano pwede remedyuhan. Kahit damit ng nanay mo aarburin natin. Tatahiin natin.
7. UNDIES
Buy some new undies!
Seryoso. Undies can make or break your confidence. Pag alam mong you’re wearing sexy undies, you will feel sexy. Pag bacon na yung garter, magmumuka ka ring bacon. Akala mo a.
My favorite brand is Gigi Amore and Underskin. 100php to 250php lang bra nila, maganda na. Comfy pa. Sa panties naman, mga 75php to 99php lang, sexy na. Hindi naman ako nag-ti-tback kaya wag kayong kabahan. Hindi naman t-back ang kailangan niyong suotin. Na-cheacheapan nga ako sa mga naka-ganun e. I like the boyleg undies na medyo lace-y pa. Or medyo velvet. Madalas kong bilhin ay yung animal prints or polka dots na laging may hint of black or any color na medyo lace-y
Hindi porket bibili kayo ng sexy undies ay ready to rumble na kayo. It would just give you that extra confidence. Baka mamaya kung kani-kanino na kayo umaariba dahil bago panty at bra niyo.
8. MAKE-UP
Dati, (and by “dati”, I mean nung panahong may boyfriend pa ako) kaya kong umalis ng bahay ng walang make-up. Ngayon, hindi na. Dahil maarte na ako. Dapat laging presentable. Hindi naman dahil hindi ako confident without make-up on. Para lang mukang fresh at hindi mukang laspag na parang galing lang sa weekly session ng paglalaba.
Daily make-up ko lang is press powder, concealer at blush-on. Blush on ko is orange or medyo tan. Ayoko ng pink. Pang-super puti kasi yun. E morena ako.
Oo nga pala, make yourself morena. It’s kinda hot. Yung masyadong maputi, parang girl-next-door ang dating. Kung hindi girl-next-door, vampire. Give yourself a little tan. Kahit na ba sa Pilipinas ay mapuputi ang considered na magaganda, pwes, hot ang usapan dito. Palakasan ng appeal. May mga magagandang hindi malakas ang appeal. Wala ring napapala. Aanhin ang ganda kung wala ka naming dating? PANISSSS… Depende rin naman yun sa muka mo.
Kung night out naman, go for dark eyes kung bagay sa inyo. Parang Jenny Humphrey look. Grudge na medyo Serena Van Der Woodsen. Kung hindi maka-relate, i-Google! Or manood na lang ng Gossip Girl. Dapat medyo mukang wild na mysterious. Yung parang may tinatago ka?
9. SUPPORT GROUP
Palawakin ang network. Gain new friends. Maghanap ng social events or anything that could make you socially relevant. It’s definitely rewarding. Kakailanganin niyo rin yang connections niyo in time. Sa trabaho, sa business, sa lahat!
Maghanap ng bagong mga kaibigan. It will make you happier. You will never feel alone… and single.
Hindi ko nga alam bakit single ang tawag. E pag single nga, lalong dumadami ang friends. Nagmumultiply. Ang dating duo (relationship), naging company!
Besides, sa pagiging friendly mo, magiging artista ka na in time. Sikat ka na e! Yung muka mo is all over the web kaka-attend mo ng social events!
AND FINALLY….
10. CONFIDENCE
Kung talagang desidido kayo maging hot, paniwalaan niyong hot kayo!
Kung okay na yung whole package niyo tapos hindi naman kayo naniniwalang hot kayo e…
Pakamatay ka na kaya?
Pag confident kang hot ka, magmamanifest yan. Walang maniniwalang hot ka kung ikaw mismo hindi naniniwala.
BEWARE: Wag lang masobrahan dahil nakaka-turn off na yun. Yung tipong ilalagay mo pa sa nickname mo yung word na “hot” or “tempting”. Saksakin kita e. Wag mo ipagnuknukan sa taong bayan na hot ka. Let them realize it. Mas fulfilling yun on your part! Hindi mo na kailangan ipagsabi pa. Muka ka lang tanga.
AYAN NA! Napurga ako diyan! Matagal ko na gusto gawin ‘tong entry na ‘to. Ngayon lang ako nagka-oras. Well, hindi talaga ako free. Dahil nasa OJT ako ngayon, sinisingit ko lang yung pagbblog ko sa pagreresearch ng ibang blogs para sa bloggers list na kailangan ng company. Na-inspire ako maglagay ng blog entry. Paki niyo ba.
PARA SA MGA SINGLE LADIES! HUMAYO KAYO AT MAGPAKARAMI!!! Follow the El Nino Modus Operandi!!!... OR NOT.