Ang tunay na chicks ay nagpapalibre sa lalaki ng mahal na mga bagay pero kuripot sa sarili
Ang tunay na chicks ay kumakain ng hepa foods (isaw, betamax, calamares, kwek kwek etc.)
Ang tunay na chicks ay humihilik.
Ang tunay na chicks ay maluwag ang panty 'pag nasa school.
Ang tunay na chicks ay nagtetext habang naliligo o tumatae.
Ang tunay na chicks ay may buhok sa kili-kili 'pag weekdays.
Ang tunay na chicks ay may libag sa kuko 'pag nagkamot ng hita.
Ang tunay na chicks ay natutulog sa semento 'pag pagod.
Ang tunay na chicks ay nananapak ng lalaki.
Ang tunay na chicks ay inaamoy ang kili kili in public.
Ang tunay na chicks ay may kalyo sa paa.
Ang tunay na chicks ay nagkakalkal ng tutuli sa tenga gamit ang daliri lamang.
Ang tunay na chicks ay nagkakamot ng ulo para maglaglagan ang balakubak at feeling niya ay snow ang nalalaglag.
Ang tunay na chicks ay minsan nang nag-ipon ng kisses at hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siyang dumadami yun pag nilagyan mo ng cotton at pulbos.
Ang tunay na chicks ay may libag sa paa.
Ang tunay na chicks ay feeling cool ang messy hair na parang bagong rape.
Ang tunay na chicks ay blooming pag weekends.
Ang tunay na chicks ay laging late at busy.
Ang tunay na chicks ay pa-importante.
ANG TUNAY NA CHICKS AY KAHIT GANITO LAHAT...
CHICKS PA DIN!
Huwebes, Agosto 18 2011
Ang tunay na chicks
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Huwebes, Agosto 18, 2011
6
kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Miyerkules, Agosto 17 2011
DETOUR
Bakit niyo kailangan pumunta sa DETOUR: The Swag District?
Ang event na 'to ay hindi trip trip lamang. Hindi 'to joke. Seryoso 'to. Titigan niyo serious face ko.
REASONS WHY YOU SHOULD GO TO OUR EVENT:
1. Dahil maganda ang program
-Meron kaming dance battle at fashion show. Hindi ito basta basta maka-giling o makalakad lang. Hindi rin sobrang high-end at boring. Tamang timpla ng kaastigan at class. Inisip talaga naming mabuti ang ihahandog naming program para sa inyo. Hindi kayo ma-bobore. Sa 6 hours na line-up ng activities, walang minutong iiwan namin kayong nakasalumbaba. Kahit hindi kayo maligo ng isang linggo, hindi pa rin kayo lalangawin sa sobrang astig ng program namin. Yung sa fashion show, gusto niyo ba ako rumampa? 'Pag nakakuha ako ng 80 guests before the end of August, rarampa ako! Kaya bumili kayo sa akin ng tickets kung gusto niyo ko makitang magkalat! Oh yeah oh yeah!
2. Ang ganda ng venue
-Sa Area 05 ito sa Tomas Morato. Malaki siya at sobrang accessible. Kung hindi niyo pa makita e bulagin ko na kayo ng tuluyan? Hindi po nangangain ng tanga ang pagpunta sa venue. Kung makain kayo, leche. Bawal tanga sa event namin. Maliban sa angking kagandahan ng venue, meron pa kaming mga pakulo para ma-decorate ang venue na angkop sa theme namin na "Urban Culture".
3. Ticket inclusions
-Ang original price ng ticket ay 300php. Pero 'pag sa aming organizers kayo bumili, 250php na lang. Dahil finals namin 'to, kaya may discount galing sa amin. Kaming organizers lang ang nagbebenta ng mas murang ticket. Sa ticket na 'to, ito ang mga kasama:
*Free-flowing drinks (4 hours)
-sa iba, 1 hour lang. Ano maiinom mo dun? Latak? Hati kayo sa isang shot? Sa amin 4 hours!
*Pica-pica food
-Magseserve kami ng food para sa mga guests. Sa lahat ng guests! Ang mga pagkain ay fries, pizza, at assorted nuts. Hindi na kayo uhaw, hindi na rin kayo masyado gutom!
*Unlimited Photobooth
-Para sa Facebook profile picture niyo. Para may souvenir kayo sa awesome naming event.
*Chance to win prizes from sponsors
-Hindi pipitchugin at pang-lamang lupa ang sponsors namin. Sa sobrang cool ng sponsors namin, hindi namin ma-pronounce ng maayos. Girbaud, GroupedeVille, WIP caps atbp. Nakuha rin namin ang Smart Communications, John Robert Powers at marami pang iba!
*Freebies from sponsors
-Hindi lang chance to win prizes! May sure na mga freebies na!
*Hustle Royale Baller
-Ito ay 1 inch thick na baller na dinesign ng favorite niyong blogger. AKO! Well actually halos lahat naman ng collaterals.
4. Dahil event 'to ng Miriam College students
-Enough said.
5. Sino pa ba ang mas malakas pumarty at gumimik kesa sa akin?
-Ako ang may alam kung paano pumarty. Kung paano maging masaya ang event. Lahat ng natutunan ko sa paggimik, lahat maiincorporate dito. Religion ko ang paggimik at simbahan ko ang gimikan. Every Saturday nasa gimikan ako. So what? Ang yabang ko.
Now, give us one reason why you shouldn't go?
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Miyerkules, Agosto 17, 2011
0
kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Self-proclamation
Alam niyo yung mga taong self-proclaimed awesome? Isa ako dun! Nakakainis 'di ba?
Iba yung confident, iba yung epal... tulad ko.
"I'm so funny"
- Pag sinabi yan ng kausap mo kahit nakakatawa siya or mga sinasabi niya, yung mga susunod na sinasabi niya, hindi na nakakatuwa. Pero depende pa rin sa tao. Kasi may iba talagang nakakatuwa. May ibang... well, mukang tanga lang.
"Ang hot ko."
-Parang hindi na? Simula nung sinabi mo, parang iisipin ng tao, "hindi naman masyado." Kasi ang hotness ay preference. 'Wag i-declare. Hindi lahat ng tao ay icoconsider kang "hot" or "maganda". Kung sobrang nagagandahan ka na sa sarili mo, magpigil ka! Halika! Sapakin kita sa muka? Game?
"Ang gwapo ko kaya...SOBRA!"
-Nainis ako minsan may nagsabi niyan. Muka namang kutong lupa. Buti sa text yun. Tawang tawa ako e? Natawa na ko dun sa sinabi niyang gwapo siya. Pero... may dinugtong pang SOBRA e? Hanaknambugi!
"Mayaman kasi ako."
-Bagong friend ko 'to. Hindi siya nakakainis actually. Kasi muka siyang gago. Malakas lang kami mag-asaran na loser kami pareho. Sinabi niyang mayaman siya. Muka naman. Pero ayaw naman akong ilibre. Boooo!!! Pa-chicks 'yan e. Pero you're still my bro from another hoe.
"Macho kaya ako."
-Macho ka nga, pag dating naman sa pagkalalaki, ang liit. Makalitaw lang ng tumor sa braso, macho na? Ano boobs ko? Macho? Makaramdam lang ng umbok sa katawan akala mo body-builder kung makapagsabi ng "macho ako"
Hindi ako naiinis sa mga ganito. May bearing or credentials man to support their statement, medyo epal lang. Ako oo, epal ako. Matagal ko ng alam.
"ANG EPAL KO."
My self-proclamation
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Miyerkules, Agosto 17, 2011
2
kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Linggo, Agosto 14 2011
Brother-from-another-mother system
Mayroon akong sistema. Ito yung tinatawag kong "Brother-from-another-mother system"
Minsan, "bro from another hoe" or "hommie" ang tawag ko dito. (I'm so swag, dammit)
How does it work?
Mayroon akong particular male friends na off limits sa akin. Yung hanggang kaibigan lang talaga. Ironically, may mga itsura sila at mga chickboy.
Bakit hindi ko na lang patulan diba?
Kasi mahilig ako sa pangit. Yun lang talaga. Wala na kayo magagawa sa taste ko. Pinagkaitan ako ng taste sa lalaki e. Pakshit.
Pag na-categorize na kayo as my "brother-from-another-mother"...
number 1 rule: Bawal na tayo magpatulan.
number 2 rule: Give-and-take relationship 'to. Pag may chicks ako, bibigay ko sayo. Pag may kailangan ako from you, umayos ka!
number 3 rule: My friends are your friends, your friends are mine.
Paano nga ba maging "brother-from-another-mother" ko?
Ito yung mga lalaking nakakasundo ko ng bongga. Walang malisya. Yung wala ng hiya kong ipapakita ko yung tunay na ako and vice versa. Parang one-of-the-boys ang drama. Kahit bastusan, walang pakialamanan. Mas masaya nga e.
Yun lang naman. I suggest na lahat ng single ladies may ganitong klaseng friends. They're like boyfriends but better... They're good friends. :) Kaya nilang tumanggi sayo dahil hindi naman kayo. Walang obligasyon. Walang responsibilidad. Walang expectations. Walang tampuhan. Isang kaltok lang, solve na tampuhan.
Lahat ng babae kailangan ng at least isang kaibigang lalaki. Yung talagang kaibigan. Walang malisya o pagnanasa.
Who's game?
My "brothers-from-another-mother":
John Tumulak
Kevin Perea
Jeremy Tan
Kristoffer Almeda
Luigi Tigno
Jed Villanueva
Mau Montenegro
Minsan, "bro from another hoe" or "hommie" ang tawag ko dito. (I'm so swag, dammit)
How does it work?
Mayroon akong particular male friends na off limits sa akin. Yung hanggang kaibigan lang talaga. Ironically, may mga itsura sila at mga chickboy.
Bakit hindi ko na lang patulan diba?
Kasi mahilig ako sa pangit. Yun lang talaga. Wala na kayo magagawa sa taste ko. Pinagkaitan ako ng taste sa lalaki e. Pakshit.
Pag na-categorize na kayo as my "brother-from-another-mother"...
number 1 rule: Bawal na tayo magpatulan.
number 2 rule: Give-and-take relationship 'to. Pag may chicks ako, bibigay ko sayo. Pag may kailangan ako from you, umayos ka!
number 3 rule: My friends are your friends, your friends are mine.
Paano nga ba maging "brother-from-another-mother" ko?
Ito yung mga lalaking nakakasundo ko ng bongga. Walang malisya. Yung wala ng hiya kong ipapakita ko yung tunay na ako and vice versa. Parang one-of-the-boys ang drama. Kahit bastusan, walang pakialamanan. Mas masaya nga e.
Yun lang naman. I suggest na lahat ng single ladies may ganitong klaseng friends. They're like boyfriends but better... They're good friends. :) Kaya nilang tumanggi sayo dahil hindi naman kayo. Walang obligasyon. Walang responsibilidad. Walang expectations. Walang tampuhan. Isang kaltok lang, solve na tampuhan.
Lahat ng babae kailangan ng at least isang kaibigang lalaki. Yung talagang kaibigan. Walang malisya o pagnanasa.
Who's game?
My "brothers-from-another-mother":
John Tumulak
Kevin Perea
Jeremy Tan
Kristoffer Almeda
Luigi Tigno
Jed Villanueva
Mau Montenegro
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Linggo, Agosto 14, 2011
6
kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Philophobia
Fear of falling in love or being in love---that's Philophobia.
Ginoogle ko pa 'yan!
Takot na nga ba ako magmahal ulit? Or ibigay lahat sa isang tao yung buong pagkatao para lang mahalin niya ako?
Tatlong lalaki ang dahilan kung bakit natakot na ako magmahal. Isa dun, minahal ko ng lubos. Yung dalawa, umasa akong mamahalin nila ako(pero hindi ko naman sila minahal).
Ang unang lalaki ay ang aking ex-boyfriend. Ang kaisa-isang serious relationship ko na tumagal ng apat na taon. Siguro naman kung babasahin ninyo yung iba kong blog entry or kung kilala niyo ako, alam niyong nasaktan ako at nabaliw. Takot na akong magmahal ulit dahil ayaw ko ng mangyari ulit yung saktan ko yung taong mahal ko just to prove a point. Gusto ko lang naman i-prove na pwede pa akong mawala sa kanya para lang marealize niya yung worth ko. Ayun. Nagkanda-leche leche. Natuluyan. Hindi ko man lang kasi naramdamang kawalan ako sa kanya. Tuloy tuloy na hanggang sa nawala na ako ng tuluyan.
Pagkakamaling natutunan: Hindi ko kailangan ng lalaki para lang marealize ang worth ko bilang tao.
Ang pangalawang lalaki ay ang lalaking naka-fling ko nung minsa'y nagbreak kami ng ex ko. Muntik na yung sa amin. I was learning how to fall in love again. Napakilala na niya ako sa family niya, sa friends. Sabay... binalikan niya ex niya. Galing. My heart was not necessarily broken pero yung expectations ko, na-disappoint lang ako. Boto sa kanya mga friends ko. Hanggang ngayon actually. Pero siguro wala na rin talaga yung sa amin. Friends pa rin kami ngayon. We're actually good friends. Pero hanggang dun na lang. I won't let him or any one else na gawin ulit sa akin yun.
Pagkakamaling natutunan: Wag pumatol sa may sabit.
Ang pangatlong lalaki ay ang lalaking tinrato akong parang reyna. Siya nagbabayad ng everything. Sinubukan pa niya akong itulak sa loob ng Charles & Keith para bilhan ako ng Christmas gift. Alam niya kasing mahilig ako sa sapatos. Pero dahil macho ako, na-counter attack ko siya. Hindi ako na-in love sa kanya. Siguro natuwa lang ako. At may potential siyang maging mabuting boyfriend or partner. Maliban sa pagbayad sa lahat, hatid-sundo pa ako. Lagi pa niyang sinasabing ang swerte niya blah blah. Parang ang ganda ganda ko sa paningin niya. Tapos... bigla na lang siya hindi nagtext nung tumanggi ako sa isang bagay na ayokong ibigay.
Pagkakamaling natutunan: Hindi lahat ng mabuting ginagawa ng isang lalaki ay galing sa puso. Minsan, galing sa loob ng pantalon.
Sa tatlong ito, ako ang may mali. Inaamin ko naman. Lahat naman tayo tanga. Kahit na nag-aral ako sa school para sa mga matatalino, madalas pa rin tanga ako.
Common mistake: I expected the best from them.
Sa mga pangyayaring ito, tumaas na ng husto yung pader ko sa sarili ko lalong lalo na sa puso ko. Ayaw ko ng masaktan. Nakakapagod.
Takot nga ba ako ma-in love o manhid na ako?
Sa mga nanliligaw sa akin at kapag may na-dedevelop na at kapag alam ko ng mahuhulog na ako, kusa na akong lumalayo. Ibblock ko sa Facebook, bigla kong hindi itetext or kakausapin. Sabihin ko na lang busy ako.
At I expect the worst from all the guys na nagtatangkang manligaw sa akin. Iniisip ko puro sex lang habol o kaya sasaktan lang ako nito. Or minsan iniisip ko, may ibang nilalandi 'to.
Ganun na modus operandi ko ngayon. Iwas sakit.
Minsan naiisip ko...
I'm becoming like the ones who broke my heart --- douche bags.
I was once the broken-hearted. Now, I'm the heartbreaker.
I'VE BECOME A COLD-HEARTED SLORE.
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Linggo, Agosto 14, 2011
1 kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Linggo, Agosto 07 2011
I don't make mistakes, I DATE THEM.
Kinakabahan mga kaibigan ko baka daw maging man-hater na ako. Sayang naman daw ako.
May point naman sila. Kasi napansin nila, sa mga nanligaw o mga nagustuhan kong mga lalaki these past few months...
sadyang puro tarantado mga nagugustuhan ko.
Hindi ko alam bakit. Buti na lang, hindi ko tuluyan pinapairal ang nararamdaman ko. The more na nasasaktan ako, nagiging numb na ako. Gets?
Nagiging stronger na ako. That's a good thing, right?
Parang nasanay na akong masaktan kaya pinapakawalan ko na agad. Medyo epal ko lang sa sasabihin ko pero...
Yung iba kong kaibigan nagtatanong, "Kay (insert guy's name here), wala na ba talaga?"
Sorry pero wala na...
Hanggang friends na lang talaga.
Pagod na akong ma-GAGO. Pagod na akong maLOKO. Pagod na akong gawing CHICKS.
Despite all of these... HINDI AKO MAN-HATER.
Kasi if they were MAN enough, pahahalagahan nila ako bilang babae.
Narealize ko, I've been dating BOYS. Immature and manyak boys.
(Parang kasalanan ko pang manyak-able yung pagmumuka ko.)
Ang kinakatakot ko lang, sa sobrang dalas kong masaktan which results to the development of my force field from boys, e makasakit na ako ng ibang lalaki ng hindi ko alam. Sa sobrang manhid ko na, e hindi ko na maramdaman kung ano ang tunay na sincerity.
Baka sa sobrang pagka-manhid...
Hindi ko na alam sino talaga nagmamahal sa akin.
Gusto ko lang naman paghirapan ako. Mag-exert ng effort para makuha niyo ako. Iparamdam lang sa akin na mahalaga ako... na kawalan ako.
Yun lang. Inuulit ko...
HINDI AKO MAN-HATER.
May point naman sila. Kasi napansin nila, sa mga nanligaw o mga nagustuhan kong mga lalaki these past few months...
sadyang puro tarantado mga nagugustuhan ko.
Hindi ko alam bakit. Buti na lang, hindi ko tuluyan pinapairal ang nararamdaman ko. The more na nasasaktan ako, nagiging numb na ako. Gets?
Nagiging stronger na ako. That's a good thing, right?
Parang nasanay na akong masaktan kaya pinapakawalan ko na agad. Medyo epal ko lang sa sasabihin ko pero...
Once na pinakawalan niyo na ako, I won't come back. Hanggang friends na lang.
Yung iba kong kaibigan nagtatanong, "Kay (insert guy's name here), wala na ba talaga?"
Sorry pero wala na...
Hanggang friends na lang talaga.
Pagod na akong ma-GAGO. Pagod na akong maLOKO. Pagod na akong gawing CHICKS.
Despite all of these... HINDI AKO MAN-HATER.
BOY-HATER AKO.
Kasi if they were MAN enough, pahahalagahan nila ako bilang babae.
Narealize ko, I've been dating BOYS. Immature and manyak boys.
(Parang kasalanan ko pang manyak-able yung pagmumuka ko.)
Ang kinakatakot ko lang, sa sobrang dalas kong masaktan which results to the development of my force field from boys, e makasakit na ako ng ibang lalaki ng hindi ko alam. Sa sobrang manhid ko na, e hindi ko na maramdaman kung ano ang tunay na sincerity.
Baka sa sobrang pagka-manhid...
Hindi ko na alam sino talaga nagmamahal sa akin.
Gusto ko lang naman paghirapan ako. Mag-exert ng effort para makuha niyo ako. Iparamdam lang sa akin na mahalaga ako... na kawalan ako.
Yun lang. Inuulit ko...
HINDI AKO MAN-HATER.
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Linggo, Agosto 07, 2011
4
kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Huwebes, Agosto 04 2011
Conversations
Ito ay hindi kathang isip at gawa gawa. This is for real maniwala man kayo o hindi. It's either conversation ko with other people or conversation ng mga tao sa paligid ko.
Habang kumakain ako ng crab sa table ni mama kung saan nakahimlay ang mga papeles niya, nalaglag ang aking crab...
Angee: Ay tumambling!
Mama: Saan tumambling?
Angee: (Shit. Baka magalit. Bawal ako kumain dito sa table na 'to.)
Mama: Saan tumambling???
Angee: ... sa olympics.
Mama: Saan tumambling?
Angee: (Shit. Baka magalit. Bawal ako kumain dito sa table na 'to.)
Mama: Saan tumambling???
Angee: ... sa olympics.
Daddy ko kausap pinsan kong 3 year-old smart ass. My cousin’s taking French class. At naisipan ni daddy na turuan mag-French ang aking pinsan (de Leon style)...
Daddy: Hey Joaqui! What's this? (Points at his hair)
Joaqui: What’s that?
Daddy: Le hair. Say it!
Joaqui: Le hair.
Daddy: Very good! How about this? (Points at his nose)
Joaqui: What?
Daddy: Le nose.
Joaqui: Ohhh.. Le nose.
Daddy: Yes! How about this? ( Points at his knee)
Joaqui: (Nakukuha na niya pattern ng kalokohan ng tatay ko) Le knee!!!
Daddy: Very good!!! How about this? (Points at his neck)
Joaqui: Le neck?
Daddy: No Joaqui. Le eg.
Joaqui: Oohh.. Le eg.
Daddy: Yes. And this one? (Rubs his neck with his hand and sprinkles it in front of Joaqui’s face.
Joaqui: What is that???
Daddy: LE BAG!!!
First year college pa lamang ako at dumaan ang aming family sa Katipunan…
Mama: (Binasa ang karatula) Japanese corn for sale. May luto.
Angee: Aaaahhhh… May luto pala yun!
Mama: Bakit? Ano ba akala mo?
Angee: Akala ko May Luto. As in luto lang tuwing May.
Ate: So ngayon, August luto??? HAHAHA!
Angee: …
Mama: HAHAHA!
Angee: Ututan ko kayo e…
Nakawala ang askal naming aso sa loob ng bahay…
Characters: Speedy (Askal naming aso); Itoy (Demonyong Shih Tzu)
Ate: Ma! Si Speedy! Nakawala!
Angee: Uy si Itoy hinu-hump si Speedy! Nagagalit si Speedy!
Ate: Hoy Itoy! Tomboy yan!!!
Angee: HAHAHAHA! Wag ka na umasa diyan! Basted ka na!
Ate: Ma! Si Speedy o!
Mama: (Nairita ng onti dahil ang gulo namin ni ate.) HOY ITOY! WAG MONG LANDIIN YANG SI SPEEDY! TOMBOY YAN!!!
Focus group discussion sa isang ad agency…
Facilitator: So… anong advocacy ang hinohold niyo for yourself?
Angee: Women empowerment.
Facilitator: May advocacy ba kayo for the environment?
Angee: Pinapractice naming yung advocacy na yun sa school.
Facilitator: E sa bahay? Ano ba ways niyo of pagtitipid?
Angee: Ay mama ko wagas magtipid!
Facilitator: Paano?
Angee: Yung tipong gumagawa siya ng sariling sabon panlaba, panghugas ng pinggan, pang-linis ng semento… yung mga ganun.
Facilitator: Oh? Chemist ba nanay mo?
Angee: Hindi po. Accountant.
Facilitator: Ha? E mukang malinis naman suot mo… ewan ko lang sa panlinis ng pinggan. (Parang nandiri sakin)
Angee: Opo.
Facilitator: Ano pa?
Angee: Nanghihingi po ng katsa sa bakery si mama. Ginagawa niyang shorts niya pambahay.
Angee: Nanghihingi po ng katsa sa bakery si mama. Ginagawa niyang shorts niya pambahay.
Facilitator: Okay.
Angee: At chaka po yung lumang brip ng tatay ko ginagawa na po niyang basahan. Yung bacon na yung garter.
Facilitator: Parang wala akong masulat sa mga sinabi mo. Ineexpect kong pagtitipid yung tipong patayin yung ilaw, tubig o ano.
(Parang wala akong nacontribute?)
Tweet ko…
Angee: Parang gusto ko ng boyfriend…
Stef: Parang nagccrave lang ng pagkain ah.
Angee: Kinakain din naman ang boyfriend a?
Stef: Ang wild mo talaga!
May nagtext…
Guy: San ka?
Angee: Bahay.
Guy: Shot!
Angee: Ulul.
Ang bilin ko sa mga kaibigan ko, pag may lumapit, sabihin tomboy ako. Paglabas ng gimikan, on the way sa condo ng kaibigan ko, may lumapit sa akin na kalbong mukang Mr. Clean…
Mr Clean: Hi! You guys had fun? What’s your name?
Angee: (Hindi namansin)
Mr Clean: (Kinausap mga kaibigan ko) What’s her name?
Myra: Fabio!!!
Mr Clean: Oh! She’s gay???
Friends: (In sync and with conviction) YES!!!
Mr. Clean: Oh… okay. See you around.
Angee: Pucha! Naniwala???
Sa loob ng gimikan, may nakipagkilala…
Guy: Hi! I’m (insert name here). What’s your name?
Angee: Hi! I’m lesbian. (sabay alis)
Grade 4 pa lamang ako at may nagtangkang manligaw at tumawag sa telepono namin sa bahay…
Guy: Hi Geline! (Yun pangalan ko dito sa mga tambay sa may kanto)
Angee: Hello? Sino ‘to?
Guy: Si (insert name here). Musta ka na?
Angee: Uh… okay naman.
Guy: Pwede ba makahingi ng picture mo?
Angee: Uhhh… hindi e?
Guy: Bakit naman?
Angee: Pinapa-develop pa ee… (makaisip lang ng excuse)
Guy: Aaahhh…
Angee: (Cricket noise in my head) Ate! Ikaw nga makipagusap dito!!!
Training sa basketball…
Teammate: Tumatalon ka ngayon aa…
Angee: Malakas pulso ko ngayon e.
Teammate: Bakit?
Angee: Nanganganak ako ng regla e.
Paalis ako papuntang retreat sa Tagaytay…
Mama: Hoy que! (Nickname ko sa bahay.)
Angee: Yes madear?
Mama: Itext mo sakin itinerary mo.
Angee: What’s itinerary?
Mama: Your whereabouts.
Angee: Oh okay. Akala ko parang pera or resibo.
Mama: Kakaiba talaga ‘yang utak mo.
Angee: OH MY GAWD MADEAR!!!
Mama: Bakit???
Angee: Inacknowledge mo na utak ko! Pengeng tissue!!! This is an epic moment for me!
Mama: Baliw ka!
Habang nagpupuyatan kami ni mama…
Mama: Que, nasstress na ako. Parang may chest pain ako…
Angee: Buti ka nga may chest… ako wala.
(Nawala ang stress ni mama)
Katext ko si mama…
Angee: Ma, nakuha mo na license ko sa LTO?
Mama: Oo. Bakit?
Angee: Kailangan ko ng 2 IDs. Magbubukas kami ng bank account.
Mama: Bakit? May kotse ka? License without driving ka a.
Angee: Oo! Meron! MRT! Kailangan ko license ko. Isusuksok ko dun sa MRT slot! Basag trip ka aa…
Mama: Unlimited ride.
Angee: Kakainis.
Hinahanap ako ng mama ko…
Mama: Hoy Que! Nasaan ka na naman? Hindi ka pa ba uuwi?
Angee: Pauwi na.
Mama: Ikaw aa.. sumusobra ka na.
(Pagkauwi ko.. wala pa si mama)
Angee: Hoy Ma! Asan ka na???
Mama: Kasama ko tatay mo.
Angee: Ang landi niyo. Feeling teenagers kung makapag-date. Daig niyo pa ako! Wala akong boyfriend!
Mama: Inggit ka lang.
My 3-year old cousin Joaqui talking to his caretaker…
Joaqui: Hey Oscar! Look! (Points up)
Oscar: (Tumingin naman sa taas)
Joaqui: (Sinapak si Oscar sa tiyan)
Oscar: …
(Whatta nice kid)
I forgot the other conversations. As of now, eto muna.
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Huwebes, Agosto 04, 2011
1 kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)

