Nung Sabado, na-discover ko na may bago na ex ko. Honestly, walang bitterness...
Ang pangit.
Kahapon, Monday, na-discover ko naman na 'yung kaisa-isang lalaking nagustuhan ko na walang bahid ng paghihiganti sa ex ko (at gusto ko pa rin)
... may bago na rin. Alam kong yun na yung bago niya dahil ginawa na niyang profile picture sa Facebook yung babae. Ginawa niya ring profile picture pagmumuka ko dati e. Galing pa pumili ng picture ko e. Muka akong tomboy.
At ang pinalit ay isa pang blockbuster hit. Pangit rin.
Sabi nila dapat masaktan ako. Siguro may kirot lang. Hhhmmmm...
Oo e. Kirot lang talaga. Nag-isip pa ako for 2 seconds sa "Hhhmmmm..."
Nabobother na ako. Dapat talaga masaktan ako diba? Parang hinahayaan ko na lang? Parang...
wala lang.
May mali na ata sa pagiisip ko.
Well anyways, kasi nakaprograma na sa utak ko na kapag pinagpalit ako sa pangit o mas pangit sa akin, hayaan na rin dahil...
TRUE LOVE NA YUN! Wala na konng laban sa true love!
Hindi ko rin sila masisisi dahil ako ay may fetish din sa pangit.
Lakas ko maka-fetish sa pangit e. Lagi na lang ako nasasabihan ng "LUGI"
At least sila nakahanap na sila ng kauri nila.
Ako mukang wala na akong pagasa makahanap ng kauri ko with the rate I'm going with the fugleh guy fetish. DEADS.
LINTIK NA TRUE LOVE.
Mag-dougie na lang ako sa dorm.
Lunes, Setyembre 26 2011
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Ibinulgar ni
Kumareng Aning
noong
Lunes, Setyembre 26, 2011
1 kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Martes, Setyembre 20 2011
Ang Dorm Girl
Marahil ang iba sa inyo ay alam nang nag-dodorm ako sa loob ng campus namin.
Ang tawag sa dorm namin...
Residence Hall
Oha oha! Pang-maharlika ang dating! Ang renta ay pang-maharlika din.
Renta
7,200php per month. 5 kami sa kwarto. Yung 7,200php per month ay per head. Meaning, sa isang kwarto (kukuha pa akong calculator para dito) ay 36,000php. Daig pa condo unit!
Pero carry lang. Sulit naman... ata?
Kasi halos buong araw naka-aircon. Pinapatay yung aircon kapag umaga at binabalik ito pag tanghali. Kahit patayin ang aircon, ang daming puno sa loob ng school namin kaya naman malamig pa rin.
Parang yun lang ang sulit? Aircon.
Aircon
Yun lang pala ang tanging bagay na makakapag-stay sa akin sa isang lugar. Basta malamig, mas gugustuhin ko na lang mag-stay sa dorm kesa umalis at mag-mall.
Pera
DUKHA NA AKO. Isang beses sa isang araw lang ako nakakakain ng kanin. Mahal kasi ng pagkain ngayon. Wala kaming lutuan. De lata lang pagkain ko chaka mga biscuit, chichirya at instant noodles.
Para akong na-evacuation center. Parang donations lang kinakain ko.
Lahat instant. Wala na rin kasi akong oras bumili ng pagkaing tao. Wala na nga akong oras kabahan sa mga bagay bagay. Wala na akong oras umiyak. Wala na ring oras mag-sink in sa akin ang mga bagay bagay. Masaya na ako makakain ako ng sabaw kahit isang beses sa isang linggo lang. Kasi utak ko nasasabaw dahil puro ketchup ang sabaw ko.
Ang hirap ng ganitong buhay. Hayok ako sa pagkain ngayon.
Sabi ng lola ko, muka na daw akong hindi kumakain. Medyo anorexic. HINDI NAMAN. BELAT!
Sadyang malapad lang balikat ko kaya mukang payat braso ko.
Pagkain lang naman problema ko at chaka pag-bubudget.
Lately kasi, parang lagi akong nagtataxi. Sa sobrang pagod ko na rin kasi, parang hindi na kaya ng katawan ko mag-commute. Kadalasan, nakakatulog pa ako sa taxi. Parang yun na lang pleasure ko sa buhay ko ngayon. Yun na lang pahinga ko. Ang gastos ng buhay pagod!
Banyo
In terms of pagligo naman, mayroon kaming common bathroom. Wala namang kaso sa akin na may common bathroom kami. As if naman magbobosohan kami e mayroon din naman sila kung anong mayroon ako? Kung tutuusin, wala silang mapapala pag binosohan nila ako e.
May mga ka-dorm ako na nahihiyang tumae kasi mangangamoy. Kahit isang sem na silang andito, nahihiya pa rin sila. Iniimbak nila tae nila at snschedule kung kailan madalang ang tao sa dorm.
At dahil kupal na ako, barubal pa. Kahit madaming tao sa loob ng common bathroom...
TATAE PA RIN AKO. May utot pa!
E ginawa ng tao ang kubeta para taehan at ihian. Ano gagawin mo dun??? Lalagyan ng gatas at cereals?
Lahat ng tae mabaho. Tandaan niyo yan! Kahit muka kang dyosa, tae mo mabaho. Walang pinagkaiba sa tae ko ang tae ni Cristine Reyes. Mas makinis lang pinanggalingan ng tae niya.
Laundry
3 beses sa isang linggo ako umuuwi sa bahay namin. Hindi para matulog kundi para iuwi ang labada ko at kumuha ng bagong set. Kanina, umuwi pa ako dahil narealize kong wala na pala akong panty. Sabi nila, magpa-laundry na lang daw ako. Sa 1,000php kong weekly allowance, papa-laundry pa ako? 25php per kilo din yun. Lugi ako. Ang lalaki ng mga damit ko? Malamang 5 piraso lang ang isang kilo.
Tulog
Ito na siguro ang pinakamagandang naidulot ng pagdodorm ko. Imbis na nagigising ako ng 3 hours bago ng class ko, e 30 minutes bago ng class ko, solve na!
Napapahaba ang pahinga ko. Kailangan ko talaga yun. At yung bawas na hassle sa pagcocommute. SHET!!! Sarap! Literal na 5 tumbling lang kasi, nasa loob na ako ng building namin. Wala pang traffic sa entrance dahil sa back entrance kami pumapasok.
Kaibigan
Isa pang magandang bagay na naidulot sa akin ay ang bago kong mga kaibigan. Ang aking mga kasama ko sa kwarto na so far naman, wala pang humihilik. Tulog silang lahat ngayon at wala akong nakikitang muka... lahat balot sa kumot. Lamig kasi. Ang sarap!
Nyehehehe!
Masasanay rin siguro ako. Medyo nag-aadjust naman na ako. Kinakaya na.
Namimiss ko nga lang mama ko. Kasi madalas pag gabi, siya kasama ko sa puyatan. Tipong muka na kaming ermitanyo pareho nakatutok sa laptop. Ngayon, kasama ko rin naman pa rin siya sa puyatan. Sa Facebook nga lang. Lakas maka-comment sa status ko nung Pokemon na yun e. Kung anu-ano pinagsasabi.
HAAAYYY... DORM.

Martes, Setyembre 20, 2011
0
kritiko
I-email Ito
BlogThis!
Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)