Pages

Martes, Nobyembre 29 2011

SHIT AND RUN


Dahil may kupal na gumagamit ng cubicle namin sa comfort room ng dorm...


HAYAN! Wala ka ng dahilan para hindi mag-flush!

May Korean translation pa at clipart din.

'Pag hindi ka nag-flush... DINOSAUR KA!

Miyerkules, Nobyembre 23 2011

May Sayad Ako

Loud and proud!
Kahit anong ayos sa muka ko, kahit anong make-up...
Sadyang lumalabas ang tunay na kulay ko.

Finding the Right Man




Sinasabi ko na sa inyo ngayon…

You’re wasting your time.

Instead of desperately looking for the right man…


BE THE RIGHT WOMAN.


Strive for perfection. Wala kang control sa isang lalaki at kung paano siya dapat kumilos, umasta, magisip, kung gaano kalaki ang package niya at kung anu ano pa.

Mas may control ka sa sarili mo.

Mas kaya mong tuparin ang wish ng isang lalaki para mahanap ka at makapiling ka. Eventually, if you start doing the things you love… he will come.


Mas kaya mong maging perfect woman kung gugustuhin mo. Doon mo na lang ilaan sarili at oras mo kaysa pinproblema mo ang paghahanap ng perfect na lalaki. Do you think you deserve the right man kung ikaw mismo, alam mong hindi ka sapat? Hindi naman sa hindi ka deserving pero hello naman? Kung ikaw sa sarili mo, alam mong kulang ka sa tiwala sa sarili mo, what makes you think na magiging masaya ka sa relationship kung idedepend mo lang lahat sa dasal na sana maging perfect ang lalaking makikita mo?

Don’t look for the right man. Look for the right woman in you. Then you’ll find someone who deserves the best version of you. 

Crucial Roles sa Barkada

Sa lahat ng barkadang masaya, maligalig at patok sa takilya...


Laging mayroong mga ganitong tao...


1. TANGA

Kahit anong matalinong grupo ang mayroon kayo, laging mayroon kayong kabarkada na kulang na lang ay mag-raise siya ng hand at i-declare sa taumbayan na...

"TANGA AKO."


Kahit lahat naman kayo matalino. Kahit nasa Science high school kayo... mayroon at mayroong lalabas na tanga sa grupo.

Yung tipong magtatanong ng isang tanong na mapapa-nganga ka na lang?

Mga simpleng bagay na, "Pag nilublob ko kaya 'tong daliri ko sa kumukulong tubig, masakit?"

Mga nakakabaliw na realizations niya, "Ay shet! Ganun pala 'yung paggamit ng water dispenser!"

Ito yung tipo ng tao na 'pag mataas ang grades sa school, mapapa-"WEH?" ka na lang? Dahil hindi mo ineexpect na gumagana pala ng maayos ang utak niya kahit papaano.

Hindi naman niya kasalanan maging tanga. Sadyang may mga panahong mababaliw lang 'yan. Lahat tayo may ganyang moments pero siya, tuwing kasama kayo... napapadalas ang tanga moments.


2. MATAKAW


Hindi mawawala ang matakaw sa isang barkada.

Siya yung tipong laging umuubos ng pulutan pag inuman. Laging kausap nanay mo 'pag nasa kusina. Laging may hawak na pagkain. Laging naghahanap agad ng pagkain 'pag dating ng bahay niyo. Laging nagyayaya kumain. Laging gutom.

Siya yung buraot sa pagkain na akala mo para sa kanya ang nakalaang pagkain para sa buong barkada. Madalas 'pag birthday party na may kainan, tahimik 'yan sa isang tabi... kumakain.

Siya ang naguubos ng sariling budget para sa pagkain. Hindi siya necessarily mataba. Sadyang matakaw lang siya at hindi mo alam bakit.


3. CONFIDANT


Siya yung nakakaalam ng sikreto at hinanakit ng buong barkada. Kahit na ba sabihin mong magkakaibigan kayo, hindi ibig sabihin nun ay ibabahagi mo na sa buong barkada mo na natae ka sa panty o brip mo. May isang tao sa barkada niyo na pinagkakatiwalaan ng karamihan sa barkada. Yung taong alam mong maghahagilap ng pabango para itago ang baho ng utot mo.

Hindi mo alam kung bakit, hindi ka rin sigurado kung sinabi na ba niya sa iba ang sikreto mo o ang hinagpis mo sa isa mo pang kabarkada pero gusto mo siya lang makaalam ng mga gusto mong sabihin.


4. ALASKADOR


Ito yung ang lakas lakas mang-asar sa kapwa kabarkada. Minsan nagkaka-pikunan pero 'pag umabsent sa isang session 'yan, mamimiss niyo 'yan.

Siya din maguumpisa sa kanchawan na lahat naman kayo manggagatong.

Minsan wala siyang pakialam 'pag may napikon, minsan naman, papatulan. Depende sa mood niya.

Basta lagi siyang may nasasabing pang-asar sa bawat sabihin ng isang tao sa barkada.

Siya din madalas ang nakakabuo ng issue ng kung anuman. 'Pag nakabuo ng issue 'yan, buong barkada na makiki-gatong.


5. BIKTIMA


Minsan, ang TANGA at ang BIKTIMA ay iisa lang pero mayroon laging isang madalas na biktima ng alaskador.


Hindi lahat pwedeng alaskahin ng alaskador. Mayroon 'yan laging pinupuntirya. Siguro dahil alam ng alaskador na kayang tiisin ng biktima ang mga binabatong panggagatong.

Hindi naman 'to basta basta nagpapa-biktima. Kung ganun ang sitwasyon, mababaliw lang siya. Lumalaban siya. At nakakatuwang panooring nagkukulitan ang alaskador at ang biktima. Hindi sila nagkakapikunan dahil masaya din sila sa ginagawa nila.



________________________________________________


Totoo ngang iba iba tayo. Hinahanap natin sa iba ang wala tayo. Nagiging kaibigan natin ang mga taong iba sa ugali natin. Minsan ang tanging similarity niyo lang ay ang friendship niyo. Iba iba kayo ng paniniwala pero tanggap niyo ang isa't isa.

Sa mga iba't ibang roles ng mga tao sa isang barkada, 'pag nawala ang isa, mamimiss niyo pa rin kahit papaano.


Minsan, o sabihin nating madalas, kung sino yung absent, siya ang topic for discussion ng barkada.

Sabado, Nobyembre 19 2011

Warranty

Lahat dumadaan sa pagsasawa sa isang relasyon.


Yung iba, nalalagpasan. Yung iba...


iniiwan na lang at hindi na ulit babalikan.


Pero isa lang masasabi ko, lahat may katapusan. Lahat may wakas.





Parang REFRIGERATOR...

(Syempre related talaga sa pagkain ang simile)


Sa una, masaya ka 'pag bago. Laging gusto mo kasama siya.


Cool siya. Chill lang. Nagagawa naman niya ang purpose kung bakit mo siya binili.

'Pag mainit ang ulo, pasok mo lang ulo mo sa freezer. (Gawain ko 'yun sa bahay e)

'Pag summer at nagiinit, pasok ka lang sa kanya. (Okay, medyo bastos ang dating)

'Pag gutom, nabubusog ka naman niya.

Hindi lang sa pagkain ang naging purpose niya. Nadidiscover mo kung paano i-utilize lahat ng pwedeng gawin sa ref mo. Kasi madalas kang nakatambay kasi bago. Ang sarap ng feeling. Unti-unti mong narerealize na sulit buy ka.


Pero sa lahat ng ref, para mabigay niya ang gusto mong pagkain, dapat mag-invest ka rin sa kanya. Hindi naman magaappear ang porkchop diyan kung hindi mo lalagyan.


Ippreserve niya ang ininvest mo para maibalik sayo. Not as good as the original pero he tried.


'Pag naglagay ka ng hindi mo gustong pagkain dahil hindi mo naubos, darating ang panahon na...

aalingasaw ang baho niyan. Inimbak mo sa limot yung pagkain dahil ayaw mo na lang balikan kaya itatago mo na lang. 'Pag binalikan mo pa kasi, masisira lang appetite mo. Ayaw mong itapon kasi sayang? Or dahil may pinanghahawakang value? 'Pag umalingasaw baho niyan, halos lahat ng nakalagay sa ref, maaapektuhan.


 Tiyak, LQ kayo niyan. At mauuwi sa...


COOL OFF...


Patayin muna yung ref at linisin. Lagyan ng uling para mawala yung amoy.


O tapos? Isasaksak ulit.


Dahil narealize mo, kailangan mo siya. Iba ang buhay mo 'pag wala siya. Parang may kulang.


Parang hindi mo alam saan ilalagay yung mga pagkain. Parang feeling mo nasasayang lang. Kailangan ng paglalagyan. At siya una mong makikita.


E di balik na naman?


Hanggang sa paulit ulit 'yan.


Magtatago ka ng pagkaing dapat nakalimutan mo na pero lalabas at lalabas pa rin. Mga pinagsisihan mong bilhin/lutuing pagkain, isusumbat niya sayo sa pamamagitan ng pagsira ng amoy ng lahat ng nakalagay sa ref.

Paulit ulit...


Hanggang sa isang araw, maghahanap ka ng warranty at resibo.


Nasira na ng tuluyan. Susubukan mong ipa-ayos sa dealer. Dahil pasok pa naman sa warranty.


Dun sa makakaintindi sa ref mo. Susubukan mo pang isalba kasi mukang kaya pa. Kung sino nagbenta sayo o nagrekomenda sayo. Isang kaibigan 'yan. Either sayo o kaibigan niya.

May konting parts lang na nasira. Papalitan na lang para maayos.


Pero kadalasan, may babayaran ka pa sa part na 'yun dahil hindi covered ng warranty.


E di ayos na!!! Balik sa dati...


Balik nga ba sa dati?


Hindi na siya kasing efficient tulad ng dati.


IBA NA.


Hanggang sa marealize mo, lagi na lang nasisira. May mga kapalpakan na. Paulit ulit.



Hanggang sa lumagpas na sa warranty period.


Sa iba mo na ipapaayos dahil mas mura kesa sa dealer. Mas madali dahil malapit lang sa inyo. Mas convenient dahil siya na lumapit sayo para ayusin.


Hindi niya alam kung ano pinagdaanan niyong dalawa pero hahayaan mong kalikutin niya ang pinagsamahan niyo at ang pagiisip mo. Hanggang sa makumbinsi ka niya na you deserve a new ref.


Wala siyang alam sa pinagsasabi niya dahil hindi naman niya alam kung bakit talaga nasira at kung paano talaga ayusin. Nagmamagaling lang.


Hindi niya kasalanan... ikaw ang nakinig. Ikaw ang humingi ng tulong at sinunod mo naman pinagsasabi niya dahil feeling mo hindi mo na alam gagawin mo. Pero sa totoo, alam mo naman dapat mong gawin para maayos. Ayaw mo lang masisi sarili mo 'pag sumablay ka.



Tapos ano na?


Wala na.



SIRANG SIRA NA.


Hanggang sa mapagod ka. At pagod ka na.


Hindi na kaya ng warranty ng puso mo...


Tapos na.


Choice mo na lang kung ipaglalaban mo pa yung ref mo o hindi.


Pero imposibleng biglang mabago 'yan. Binili mo ng ganyan 'yan.


Kaya mong ayusin once in awhile. Pero...


naiiba na.


Ang hirap 'pag walang warranty.


At kung papansinin niyo, sa ref o sa kahit ano mang electronic device, may warranty?


Dahil alam nilang hanggang dun lang dapat. May limitations.

Buti pa sila alam nilang may limitations. Ikaw?



Lahat may katapusan. Lahat may wakas.


Hindi ibig sabihin na tapos na relasyon niyo ay tapos na rin pagmamahal mo sa kanya.


Gusto mo na lang ulit mahalin sarili mo.




Warranty dictates the life span... but you can still defy the odds if it's worth it.

Linggo, Nobyembre 06 2011

The Flying Monkey




Proud ako sa kuya ko.

Biruin niyo, Taong Tabon lang 'yan dati...


Tapos ngayon...


Engineer na...


PILOTO PA???


Congrats kuya! Konting push na lang!

Congrats din sa magulang ko at nakakuha sila ng pambayad sa edukasyon naming magkakapatid.


Nagsuka ako sa lintik na flight na 'yan! Papunta kaming Baler. E kakakuha ko ng video, mabundok pa, matagtag at mahangin pa, ayun. Kalahati ng plastic bag ang napuno ko. Nag-buffet pa kasi ako bago niyang flight na 'yan e. Talino ko e. Psh.