Madami dami na rin nagtatanong sa akin kung paano ko nakuha ang tumataginting ko na kili-kili. Nangitim na rin siya dati lalo nung 18 years old ako. Pinroblema ko yun nung debut ko. Maliban sa katabaan ko, isa sa mga dilemma ko ang kili kili ko noon.
At dahil epal ako, pinagexperimentuhan ko ang kili kili ko. Ayan ang kinalabasan. Medyo namuti naman kahit papaano...
Ito ang ginawa kong milagro sa aking pits.
1. Pampaputi sa muka.
Since mas mild naman dapat ang nilalagay sa muka kesa sa kahit anong parte ng katawan, minabuti ko na rin ilagay ito sa aking aprikanong kili kili. Why nots coconuts? Ang nilagay ko noon ay yung malapit ko nang mapanis na Pond's Flawless White na Day Cream. Since half pa yung container, e hindi ko naman kaya ilagay sa muka ko lahat yun. Nilamas ko na lang ng very nicely sa aking kili kili. Dinamihan ko na. Mapapanis na in two weeks e. Nang maubos ang Pond's Flawless White Day Cream ko, pinatos ko na halos lahat ng pampaputi sa muka at nilagay ko sa kili kili ko na nasa kwarto ko na malapit na rin mapanis. Since kasi lahat ng pampaputi sa muka ay nagrerequire na wag masyado matapatan ng araw... e hindi naman talaga natatapatan ng araw ang kili kili ko unless itaas ko siya sa kalagitnaan ng EDSA at medyo mag-lean backward. Muka naman akong may toyo nun. Inaapply ko lang siya bago matulog. Hindi tuwing umaga o pag aalis ng bahay. Kasi pagpapawisan lang kili kili ko nun!
2. Change of deo.
Ang preferred deo ko ngayon ay Block & White. Mas gusto ko yung stick pero sa ngayon, ang gamit ko ay yung roll-on dahil out of stock ang deo ko sa Cherry Foodarama sa Shaw. Sabi nila Nivea daw nakakaputi. Sa akin hindi masyado effective. Ito effective sakin. Maliban sa nakakaputi, nakakabawas din siya ng hair growth. I mean, hindi na kasing bilis yung pagtubo ng buhok sa kili kili compared sa ibang deo.
3. Wax.
Oo, nagshashave ako. Nakakaitim siya actually. This past few months lang ako nagshashave kasi walang time at wala akong paglulutuan sa dorm nung hot wax. Pero subukan niyo mag-wax kahit once a month lang. I suggest hot wax. It's better than cold wax. Kasi pag hot wax, mabubukas yung pores ng buhok niyo tapos chaka hihilahin. Mas masakit yung init ng wax kesa sa paghila. Chaka feeling ko mas linis pag hot wax. Or mahilig lang ako sa sobrang init? Pero ako talaga I prefer hot wax. Pero bago kayo mag-wax, siguraduhin niyo na medyo magubat na yung kili kili niyo. Kung sobrang ikli pa, hindi pa yan kakapit. Chaka pag hot wax, mas kapit. Ewan. Mas bet ko talaga hot e. Kayo choice niyo.
4. Scrubbing.
I scrub my pits. Nope. Hindi loofah o pangkiskis ng kaldero. Yung ibang soap or cream na may granules? Na parang magaspang. Gamit ko yung Asian Secrets. Ang dami kasing ganun sa bahay namin bunga ng produkto ito sa Unilab kung saan nagttrabaho si itay. Pinangkikiskis ko sa kili kili ko at sa buong katawan ko yun. Para linis talaga.
5. Shaving cream alternative.
May nabibiling mga shaving cream sa supermarket. Hindi yun ang ginagamit ko. Ang ginagamit ko ay yung mga facial wash na pampaputi ng muka. Kulang na lang pati make-up ilagay ko sa kili kili ko dahil tinuturing ko na muka ang akung kili kili. Medyo mabula rin kasi at mild. Lagyan niyo ang kili kili niyo pag magshashave kayo at pagkatapos magshave. Para kung bukas man ang pores, lilinis din agad. At kapag magshashave, banlawan niyo muna ng mainit na tubig tapos chaka lagyan ng facial wash tapos shave. Pagkatapos ay lagyan ng facial wash ulit tapos banlawan ng malamig na tubig.
Ang daming cheche bureche para sa maputing kili kili.
Sa akin effective ang mga ito. Sa inyo... ewan ko. Pag inamag yang kili kili niyo, bahala kayo sa buhay niyo. Hindi ko kasalanan. Basta sa akin, naging maputi naman kumpara dati. Ginawa na rin ng ate ko yung paglagay ng pampaputi sa muka sa kili kili niya at medyo sensitive ang balat niya. Effective naman ata.
Goodluck! Pag effective picture-an niyo rin ng ganyan tapos send niyo sakin. Para ipagmamalaki ko sa taumbayan ang kili kili niyong malupit.