Pages

Linggo, Hunyo 24 2012

EuroPakers

Binigyan ako ng boss ko ng 1000php worth of GC ng EuroPak. Actually ShuttleHub yung store.


Nakalagay sa envelope at nakalagay "For your hardwork FABIO"

Ako nga pala si Fabio. Ang gay name ko sa opis.

Di ko alam bakit ako binigyan ng boss ko. Pero naappreciate ko ng bonggang bongga. Sa sobrang bongga ang pag-appreciate ko, ibabahagi ko sa inyo ang GC. 


Hanaknampota wala akong pera kaya GC lang mabibigay ko sa inyong mga nagbabasa ng blog ko. To show lang na naaappreciate ko kayo. Chaka nakikiuso din ako sa mga may blog giveaways. Inggitera ako e. Baka sabihin niyo wala kayong napapala sa balahura kong blog e.


Paano niyo makukuha ang GC?


  1. Like niyo 'tong kaepalan na 'to.  http://www.facebook.com/pages/Kumareng-Aning/184219471657712
  2. Tapos share niyo. sa wall niyo yung favorite niyong blog post ko tapos tag niyo 'yang fan page na yan. Bigyan niyo ko ng dahilan bakit taeng tae kayong makuha yung GC.
  3. Tapos kemberloo.

Gets? Totoo 'to a! 

Biyernes, Hunyo 22 2012

Moving on VS Letting Go

A lot of people kept asking me kung paano mag-move on. Siguro dahil feeling nila ako ang mastermind ng moving on. Kadalasan nagmamagaling ako. Ang dami kong sinasabing kaeklatan. Keme keme lang naman yun.




Pero ngayon ko lang narealize kung ano talaga ibig sabihin nung move on.


'Pag tinanong ulit ako, hindi na ako magmamagaling. Dahil may awesome na akong sagot pang-beauty pageant.




Ang tanong: "Paano mag-move on?"




Ang sagot kong malupit: Ginagawa mo na ngayon. Buhay ka pa. You're moving on with your life right now. You're obviously alive kasi kinakausap mo ko. And you're trying your best to live your life without him. Asking me for help is a good sign na nakaka-move on ka na. Kasi gumagawa ka ng paraan para umayos buhay mo. Actually maayos naman buhay mo. Isip mo lang nagugulo dahil sa heartbreak na yun. It's all in the mind. All the what ifs. All the regrets. Nasa isip lang lahat yun kaya apektado lahat ng tumatakbo sa buhay mo. The mere fact that you're thinking of getting back on track is a sign na you're moving on. Yung hiding behind fake smiles to convince other people that you're okay...believe it or not, that's actually YOU TRYING TO MOVE ON.




It's easy to move on. Moving on is just simply trying to live your life again without him. Hindi moving on ang problema mo. Alam mo kung ano?








Letting go...




Kung moving on ay sinusubukan mong mabuhay ng wala siya. Letting go is literally leaving it all behind. Posibleng naka-move on ka na pero di ka pa nag-lelet go. 




NOT LETTING GO means that you're still holding on to the memories and the heartaches.




NOT MOVING ON means you're making those memories and heartaches ruin your life.




Can you see the difference?








Ako aminado ako, madali sakin mag-move on. Dahil madami naman akong dahilan para mag-move on. Hindi porket madali sakin mag-move on ay hindi ko pinapahalagahan yung relasyon. Ibig sabihin lang nun, pinahahalagahan ko sarili ko. Dahil alam kong there's more to life than your love life.




Pero aamin ako...






hindi ako basta basta nag-lelet go.




Dadalhin ko ata hanggang burol 'tong nararamdaman ko sa kanya. Masakit. Pero kaya ko ba mabuhay ng wala siya?




KINAKAYA. That's how you move on.




-A blog entry for Ramonne Rodriguez



Sabado, Hunyo 16 2012

Dahil ganyan sila, ganito ako.

Ang aking daddy at ang aking menopausal mommy na pabalik balik sa hospital dahil sa hormonal imbalance...


Daddy: Anong tawag diyan sa simbahan na 'yan?
Mama: Basta para sa mga mormons 'yan e.
(After 10 seconds)
Daddy: Baka kailangan diyan ka mag-simba?
Mama: Bakit?
Daddy: PARA MAAYOS NA 'YANG MORMONAL IMBALANCE MO!


____________________________________________

Habang palabas kami ng kotse at umuulan, kumuha kami ng payong. Yung mama ko walang payong kaya naglambing sa tatay ko...

Mama: Paano ako? Wala akong payong?
Daddy: Ha?
Mama: Share tayo.
Daddy: Dito?
Mama: Ayaw mo ata e!
Daddy: Ay hindi! Concern lang ako. Nagiisip nga ako e. Hindi ka kasi kasya dito. DAPAT SAYO TENT!

____________________________________________


Martes, Hunyo 12 2012

My apologies

I will say sorry to two of my close friends in college. They deserve my apology and my respect.


Why? Because I shouted at them dahil sa ka-bad tripan ko sa isang docu video for college. Dahil napikon ako sa pagmamadali nila sa akin para magpakalbo daw sila ng kili kili. They deserve my apology because they had the guts to talk to me. To explain. In my face. And they at least tried to patch things up the moment we had the fight.


Well actually yung isa lang dahil siya lang pwede pumasok sa dorm dahil dun din siya nakatira. Yung isa walang choice kundi mag-stay sa baba. At hindi rin naman ako lalabas ng dorm dahil nagiinarte pa ako. I was just too stubborn to give a fuck. I was just too stressed out to listen to what I thought was bullshit back then.



To Katrina Bardos and Alexandra dela Cruz,


I am sorry.




(Parang feeling ko naging katunog ko si Gloria Macapagal-Arroyo)


Well... yes. I am sorry. You guys deserve it. Sorry for being a bitch. You know how I am. Kaya nga ako protector niyo 'pag may away e. I will always have your back.



To Alex...






Kahit lagi kang may maitim na balak na lasingin ako tuwing may naaaninag kang the bar o granma... I still appreciate the fact na naaalala mo ako. Whatta friend.

Lagi mo kong inaabangan malasing. At ang saya saya mo!

Pero kahit na ganyan ka, nagkaroon din naman ng sense ang friendship.I wanted you to learn how to edit. Kasi gusto mo. And ayoko naman na ako lang may alam. Naisip ko din baka magamit mo in the future. Plus din sa resume yun. Aanhin ko naman kung ako lang may alam? As much as possible, gusto ko gising ako habang nag-eedit ka. Para hindi ka maguilty gisingin ako pag nababaliw ka na kung ano na nagaganap sa Premier Pro.

You made my college life interesting. We had the same dilemma of getting thinner. We were so obsessed we almost killed ourselves. Now... we're still obsessed.

And we are the big girls of our block. We're supposed to be friends. Sabi ni Mother Nature.


At dahil sa bawat yaya mo ng inuman at dahil oo ako ng oo! BOOM! Malakas na resistensya ko sa alak!


To Kat...




Sa nakaraang mga buwan na hindi tayo nag-usap... I still care for you.


Don't take this the lesbian way. Because I know you take everything the lesbian way.


But I do.



Sabi ko nga sayo. I'm the kind of friend you don't want to talk to about your problems. Because I will make you shit your bed. I will shove your face in the pillow until you learn.


Tough love. I just wanted you to be strong. I just wanted you to know that the real world is not full of pink Hello Kitties. It's full of lies and bullshits.

But no matter how many lies and bullshits come your way... I will always have the strength to shove your face in your Hello Kitty pillow. My pleasure.

I kinda miss taking care of you. Pinagluluto ka. Pinaglaba ka ng towel dahil 2 buwan ka nang hindi naglalaba ng towel. Gisingin ka para mag-aral sa media laws kahit ayaw mo. Tulungan ka sa mga assignments mo feeling ko lower batch ka tuloy. Stay up late with you 'pag kailangan mo. Manood ng American Idol at tawanan yung mga kagaguhan. Late night McDeliveries. Pagtawanan yung conversation namin ng nanay ko. At syempre...


sipain ka paalis ng kama kong maalat dahil amoy ni Meghann yung kama mo kaya ayaw mo humiga dun. You were my little sister for 3 months.

Yung bigla kang sumiksik sa kama ko dahil nag-email ex mo. You wanted to cry. You kinda did. I saw it.

I wanted to shove your face sa aparador ko dahil bigla ka na lang nag-dive dun the moment na nakita mo na akong gising dahil may 730am class tayo. Nagulat ako bakit nauna ka magising. Yun pala hindi ka pa natutulog. I wanted to punch you in the face. But I didn't. I just gave you time to cry. You needed it. At pinagluto pa kita ng almusal.

At dahil dun...














NAMIHASA KA! IYAK KA NG IYAK KAYA LUTO NAMAN AKO NG LUTO! Hahaha! Bruha ka!


I kinda miss you and your lesbian ways. HAHAHA!


__________________________________________



Sa dalawa kong lesbo friends. I do hope you accept my apology. Because if you don't... I would look really stupid for writing this whole thing.




Huwebes, Hunyo 07 2012

Let's get ready to rambol!

Sumali ako sa nakakalokang Axe Anarchy Raid na 'yan. Hindi dahil gusto kong manghabol ng lalaking para namang bakla yung iba o manalo ng tumataginting na isang milyong piso. (pero pwede rin para may mapa-giveaway naman ako sa blog na 'to para may mapala kayo sa pagbasa)

Bakit ako sumali? (kausap ko sarili ko 'no?)


Sumali ako kasi... gusto ko lang inisin boypren ko. Lagi niya kasing binabanggit sakin 'yan. Kunyari hindi siya ganun kainteresadong makuha. Pa-inosente pa. Pero nadulas siya na araw araw daw niya chinecheck kung kasali siya. Bistado ka! Gusto pang ako mag-register para sa kanya dahil 'di daw siya makaregister. Jinojoke ko lang siya nung una na sasali ako. E lalo akong ininis dahil parang inimply niya na bawal ako sumali at siya pwede. Iba daw yun. Magdadahilan pa.


Ako namang iritable nung araw na 'yun, nainis ng very hard. Nag-register ako bilang joke sa kanya. Pero nag-register talaga ako. Wala lang. Trip lang. Malay ko bang makukuha ako sa dami ng nag-register? Tapos pipili lang ng "100 hot girls".


Take note: HOT GIRLS.

By "HOT" meaning kasama sila Sam Pinto, Bangs Garcia, Jinri Park, Megan Young at madami pang iba!

Feelingera ko naman kung mag-expect ako sa balyena kong katawan?


Ayun. MALAY KO BA?!?


Paano ako napili?


Ito yung criteria:


40% Body
40% Face
20% Answer on why I should join the raid


BODY:

34-27-39. Yan ang hiningi para malaman kung gaano kalupit ang iyong katawan. Medyo totoo naman yang nilagay ko. Konting barberuhan lang. Talkshit ng onti. Yan ako 'pag hindi ako kumain ng isang linggo. Ewan ko na lang kung ano ako sa Sabado dahil kailangan ko kumain dahil mamamatay ako sa trabaho ko.

FACE:


Yung pinakamahalay na picture ang sinend ko. Baka mahalayan sila ng malupit e tanggapin nila ako. Ito yung pinasa kong picture. 

Mukang bagong rape diba? Walang suklay suklay 'yan. The ultimate sex hair of the Philippines. Mukang nagttrabaho sa Quezon Ave ang peg ko.


ANSWER:


Ang winning answer ko ay: "My boyfriend really wants to join this thing. I just want to piss him off."



___________________________________________________


2 days after registration...


E-MAIL FROM AXE ANARCHY RAID ORGANIZERS!



Feeling ko yung sagot ko yung dahilan bakit ako napili bilang isa sa mga "100 hot cops". (dadalhin ko hanggang burol 'tong titulong 'to! minsan lang mabansagang hot!)

 Chaka yung medyo mahalay kong litratong mukang ready to rambol. Mukang sasablay ako sa katawan e.


Ayun. Suportahan niyo yung blogger na mahalay.




Salamat! :)